Sa bawat araw na ika'y nakakasama
kakaibang saya aking nadarama
ngiti sa'king mga labi'y di mawala
sa 'twing nakakausap ka
ipagpatawad mo sana
itong aking pusong mapangahas
na nag simula sa pag hanga
at hindi ko mawari kung ito ba'y may wakas
di ko sadyang mahulog sa'yo
di ko sadyang mahalin ka ng ganito
lalo pa't batid kong kaibigan mo lang ako
at hanggang dito lang talaga tayo
ngunit hayaan mong mahalin kita
sa pinakamailap na paraang aking ginagawa
pagmamahal sa paraang sakim at madaya
handang sumugal sa larong di ko alam kung ako'y mananalo kaya ?
makikipag sapalaran sa mapaglarong tadhana
kasabay ng mga dasal ko Kanya na sana ikaw na nga
wala naman masamang umasa diba?
hayaan mo, handa ako sa sakit na maaari kong madama
patawad di ko sadya,di ko talaga sadya ..
sa pagtatapos sana nitong tula
ako sana'y mapatawad mo sinta
kung ika'y minahal ko nang di sadya ....
YOU ARE READING
"Mga Katha "
PoetryThis is a compiltaion of my works (*Filipino Poems ) Not all of these are based on real stories but most of it are part of my real life story .. I hope you like it . Ps. My first time to published.. Pardon me if I'm not that so good Writer like o...