Clinic

763 18 2
                                    

Andrei's POV

Normal day. As in nothing new. Lahat ng nangyayari sa buhay ko so far ay parang mandatory. Nakakabwisit na kung iisipin pero alam ko naman na wala na akong magagawa pa roon. I knew naman na I just have to let it be.

Katatapos lang ng training at nandito kami ngayon sa dug out. Pinagkakaguluhan ng barkada ang usual - ang pineapple chunks! Weird man pakinggan pero yan na talaga ang favorite.

"Op op op!!! Seniors munaaaaaa!!" Pang-aasar ni Jeron. Eto talaga ginagamit ang tanda para makalamang!

"Buksan nalang natin yung isa pang can!" Sigaw ni Kib na in-agreehan ng lahat. Binuksan ni Kib yung isang can ng pineapple chunks habang itinabi naman ni Jeron yung paubos nang can sa sink. Dahil narin sa katamaran ko at pramis gusto ko na talagang matulog, hinayaan ko nalang silang magkandarapa sa pineapple chunks.

Nagdecide nalang akong magbihis na. Tinatanggal ko muna yung sapatos ko gamit yung paa ko. (Naiimagine niyo ba? Gawain yun ng mga tamad like me eh hehehe) Ang sikip talaga nitong sapatos na to. Tinamad na din kasi akong dumaan ng dorm kanina kaya yung kung anong meron si vince sa condo, eh yun nalang sinuot ko. Nakakatamad eh!

Habang tinatanggal ko yung sapatos ko (so isang paa lang yung nakaapak) muntik akong ma out of balance kaya napatuon ako sa sink.

"Araaaaay!!!" Shet. Dito pala nilagay ni Jeron yung can kanina. Tiningnan ko yung kamay ko at shet!! Baon pala? Tangina! Tumutulo pa dugo jusko. Katangahan naman Drei oh!

"Bro bro bro bro brooooo!!!" Rinig kong pagtataranta ni Jollo.

"Halaka Drei!" Sigaw naman ni Aljun. Iba din talaga to eh.

"Bro! Balutan mo ng towel!" Payo naman ni Thomas. "Ay hugasan mo muna pala."

Tinanggal ko naman ng dahan-dahan yung can at lahat naman sila nag tinginan.

"Can I see can I see can I seee???" Sabat ni Jason.

"Oh my god bro that's baaaaaaaa" Sabi naman ni Abu na sinabayan ni Ben ito talaga.

Hinugasan ko na yung sugat na medyo malaki at nararamdaman ko na yung hapdi. Binalutan naman yun ni Thomas ng towel.

"Paaaaaaaaps!" Sigaw ni Kib na katatapos lang kumain.

"Talagang inubos mo muna yung pinya ha."

"Ano ka ba, siyempre yun pa! Salamat sa eksena, ang sarap pag walang ka share!"

"Ulol, gago." Babatukan ko sana kaso injured pala ako hahahahhaha. Tinawanan nalang namin to hanggang sa nag alok siyang pumunta ng clinic. Ayaw ko na talagang pumunta ng clinic at itulog nalang to kaso mapilit pa si Kib. 

"Hayaan mo na paps, atleast may ganap na sa buhay mong puno ng cliches." Rason niya pa. Nagtataka rin ako kung anong meron sa mundo at siya pa naging kasangga ko sa buhay. Grabe ko na siguro ka "no-choice".


Medyo puno ng tao ngayon sa clinic dahil narin sa upcoming intrams at kailangan ng medical cert. Alam kong may privilege kami dito pero may privilege din mga kasabay ko so no choice nanaman ako kundi maghintay. Pumunta nalang kami ni Kib doon sa babae sa may desk na parang human resource.

Habang palapit ako ng palapit parang lumalakas ng lumalakas yung tibok ng puso ko. Halaka Drei. Kasi naman, habang palapit ng palapit parang nakikilala ko na kung sino yung busying busy magtype doon sa desk na pinupuntahan namin.

Di ko namalayan at nasa harap ko na siya. Tama nga ako. Si Tine. Basically, wala akong karapatang tawagin siya niyan pero kung alam niyo lang, ang tagal tagal ko na siyang gustong tawagin ng ganyan o kaya naman kung hindi yan, tawagin ko nalang siyang akin. Haaaay, ito na ba ang pangyayaring sobrang tagal kong hinintay?

Clinic (TinDrei Oneshot)Where stories live. Discover now