Para sa taong una kong minahal,
Kamusta kana?
Masaya ka ba?
May mahal ka na ba?Tila kaytagal na ng huli nating pagkikita.
Naaala mo pa ba ang ating unang pagkikita?
Kasi kung ako ang tatanungin mo?Oo,tandang-tanda ko pa dahil yun din ang araw na natagpuan ko ang aking unang pag-ibig!
Sapol bes! Lakas ng tama ko sayo!
1st year high school palang tayo noon,bestfriend ka ng nanliligaw sa kaibigan ko kaya doon tayo nagkakilala.Pero noong huminto yung panliligaw ng bestfriend mo sa kaibigan ko sa hindi ko alam na dahilan ay parang pati ikaw ay umiwas narin
Nagbalik lang ang lahat noong nag 2nd year high school tayo at naging magkaklase na tayo.....hindi lang yan mas lalo pa tayong naging close yung tipong........MAGBESTFRIEND na.
Sabay nating ginagawa ang mga bagay-bagay kagaya ng pagawa ng assignment,lunch,snacks hanggang sa pag-uwi kasi parehong jeep lang naman sinasakyan natin.Pero alam mo kung saan ako mas natatawa?Yung tipong sa tuwing magkakaroon ng groupings,ginagawan natin ng paraan para mapabilang sa isang grupo.Baliw natin no?
Natatandaan mo pa noon nung umiyak ako kasi nakakuha ako zero sa Math?Unang pagsubok yun sa subject nayun pero zero amg nakuha ko.Ewan ko ba ba't ang bobo ko sa Math!Pagkatapos ng klase natin kinausap mo ako at sinabihang "Ok lang yan...matagal pa matapos ang school year,mababawi mo pa yan."By just that gumaan ang pakiramdam ko.Hindi ko alam kung may gayuma ba yang mga salita mo o ano,basta gumagaan yung pakiramdam ko pag andiyan ka.
Sa paglipas ng mga araw at buwan lalong lumalalim yung pagmamahal ko sayo.Sh*t best parang malulunod naku."Sasagipin mo ba ako pag nagkataon?"Iyan ang tanong na patuloy na umiikot ikot sa utak ko.
Hangga't maaari ayokong may makaalam...ayaw kong malaman mo.Dahil pagnagkataon baka iwasan o layuan mo ako.
Nagtagumpay ako na panatilihing lihim ang nararamdaman ko sayo pero best ang hirap yung tipong pag andiyan hindi ko maiwasn na titigan ka.Yung parang lalabas na ang puso ko para siya mismo ang magsabi sayo na mahal kita!
Hello Junior Year!
Sad life! Hindi na tayo magkaklase.
Ito narin yung taon na parang naramdaman kong lumalayo kana.
Best bakit?
Anong problema?
Hinayaan ko nalang ang mga araw na lumipas.Nag-aral nalang ako ng mabuti at tinuruan ko naring makihalubilo sa iba ang aking sarili.
Alam mong hindi ako madaling magtiwala sa iba.Kaya sana alam mo rin na ang hirap noong bitawan mo nalang ako bigla sa ere.
Senior Year!
Hindi ko alam kung galit sakin ang tadhana o sadyang pinaglalaruan niya lang ako.
Classmates na naman ulit tayo,ang awkward best!
Hindi tayo nagiimikan,nag-uusap o ano paman.
Sinabi ko sa sarili ko na nakaya kong wala ka noon alam kung kaya ko rin ngayon.
Galit?No!...Tampo siguro,oo.Nang-iwan ka eh.
Pero hindi ko alam kung anong hangin ang pumasok sa utak mo at kinausap mo ako.