Unang araw pa lang ng Pebrero, ramdam na ramdam ko na ang araw na gusto kong lagpasan. Kahit saan ako nagpunta ay mayroon na agad akong nakikitang mga pusong dekorasyon sa mga store sa loob at labas ng mall. Mapakiosk o kahit sa bangketa, naglilipana na ang mga nagbebenta ng mga lobong may korteng puso at nakalagay ang 'Happy Heart's Day!'. Samantalang ang iba naman ay mga teddy bear na iba't iba ang kulay at laki. Napakarami din bulaklak na doble at triple pa ata ang naging presyo habang papalapit ang araw ng mga puso. Ang sarap siguro gawin negosyo n'yan tapos lihim kong dadasalan na hiwalayan sana sila ng mga taong pagbibigyan nila no'n. Para pare-parehas kaming sawi sa araw na 'yun. Pero s'yempre joke lang 'yun. Hindi ko 'yun gagawin.
February 14..
Gumising ako na parang ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Ito na naman ang araw na pinakainaayawan ko. Hindi naman ito big deal sa akin dati pero parang big deal sa iba kaya naging big deal na din tuloy sa akin ngayon.
"Sino ka-date mo mamaya?" Panunukso ng Ate ko habang nagpapatuyo ako ng buhok sa electric fan. Nakaugalian ko nang magpatuyo ng buhok bago pumasok sa opisina dahil ayokong bumuhaghag ang buhok ko kapag nagkusa lang matuyo dahil sa pagbyahe ko.
"Wala 'no!" Mataray na sabi ko.
'Yan ang isa sa mga rason kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa din ako nagkakaboyfriend. Ayoko ng tinutukso ako.
Ah wait.. nagkaboyfriend na pala ako ng dalawa kaso parehas hindi legal sa parents ko kaya hindi ko maconsider na totoong boyfriend ko sila.
Isa no'n college ako. Two months lang naging kami pero iniyakan ko ng bongga nang maghiwalay kami dahil lang nilibre ko siya ng sine. Nakakababa daw ng pagkatao na babae ang nanlilibre sa kanya. Letse siya! Napakataas ng ego niya. Umasa talaga ako na siya na ang unang seryosong boyfriend ko dahil bukod sa gwapo ay mabait pa. Siya din ang nagpabalik sa akin para palagi nang magsimba. Sa tuwing magkikita kasi kami tuwing Linggo ay hindi p'wedeng hindi kami dadaan sa simbahan. Kahit sa school kapag sinusundo niya ako dati ay magsisimba pa din kami kahit walang misa. Sobrang God-fearing niya pero hindi naman talaga siya totoong mabait. Pakitang-tao lang ata. Kasi kung mabait siya talaga hindi niya ako hihiwalayan sa isang tawag lang sa telepono. Ang babaw ng dating sa'kin no'n. Naiintindihan ko naman kahit papaano ang rason niya. Bread-winner kasi siya ng family niya. Magkasing-age kami pero huminto siya ng pag-aaral no'n para magtrabaho sa opisina bilang messenger. Nagpapadala lang daw siya sa Mama niya na nasa probinsya. Pero simula nang maging kami ay nagrereklamo na daw ang Mama niya na maliit lang ang binibigay niya. Ang sabi niya sa akin hinahati na daw kasi niya ang sahod niya. Ang kalahati ay para sa amin dalawa. Sa tuwing umaalis kasi kami, bukod sa pagkain sa labas ay hindi p'wedeng hindi kami manonood ng sine. Tanda ko pa dati nakakadalawa o tatlong sine ata kami sa loob ng isang linggo kaya sobrang late ko nang nakakauwi sa bahay namin. Nagdadahilan na lang ako palagi na may group project kami. Kilig na kilig pa ako dati sa tuwing makikita ko siya pero kahit sa mga kabarkada ko sa school ay itinago ko siya. Kaso one time, nahuli nila kami sa mall kaya napilitan akong ipakilala dahil alam kong tutuksuhin nila ako kinabukasan sa school. Nakakahinayang talaga sa tuwing naaalala ko siya. Nakabingwit na ako ng gwapo kaso bwiset siya! Tapos malaman-laman ko after ilang months, may jowa nang iba. Pinagpraktisan lang ata akong halikan ng pesteng 'yun sa sinehan. Gago siya talaga!
Ang isa ko naman naging boyfriend ay naging kachat ko lang no'n high school ako pero never kami nagkita in person pero totoong minahal ko din 'yun. Hindi ko tuloy masabi kung maco-consider ko bang boyfriend 'yun dahil hindi naman kami nagkita no'n kami pa. Pero nagkaro'n ng pagkakataon na magkita kami pagkagraduate niya ng college pero may jowa na siyang iba. Mabait siya no'n kami pa. Madalas pa niya akong padalhan ng love letter thru snail mail. May email naman pero mas gusto niya ang sulat talaga para maitatago ko daw ang sulat niya. Sobrang sweet kaya nainlove din naman talaga ako kahit LDR kami. Pero no'n nagstay na siya sa Manila para magtrabaho ay nag-iba na siya. Nahawaan na ata siya ng mga kaopisina niyang puros pambababae ang alam. Nilandi niya ako, nagpalandi naman ako. 'Yun nga lang walang label ang relasyon namin. Malaman-laman ko na lang ay sila pa pala ng jowa niya dati at magpapakasal na sila dahil nabuntis niya. Nang dumaan ang ilang taon ay gusto pa akong gawing kabit ng walangya. Kahit loka-loka ako minsan ay hindi ko naman nanaisin na maging kabit lang. Kaya ba-bye na lang kasi siraulo siya. Maigi pang walang lovelife kaysa itinatago naman.
BINABASA MO ANG
Istupidong Buwan ng Pebrero [One-Shot Story]
Short StoryBakit bitter ang mga single 'pag Valentine's Day? Random thoughts.. inspired by true stories (of friends) charot!