Chapter 4: Battle of the bands

22 1 0
                                    

<Richelle's POV>

1 Month later...

"Kinakabahan ka ba?" Agad na tanong sa akin ni Mark.

Andito na kami sa backstage at kami na ang susunod na ilalatag sa entablado.

First time kong gagawin ito at sobra sobra ang kaba ko. Hindi ko na nga alam na nanginginig na ang buong katawan ko ehh..

Tumingin ako kay CC na katabi ko ngayon at Poker Face lang at pagmumukha niya.

Nag iba na ang tingin ko sa kanya simula noong nakita ko siya na may binugbugbog at sinabihan pa niya akong stupid noon.

Masakit oo na sabihan ka ang ganoon ng hindi ko man alam ang dahilan kung bakit kailangan pa niyang sabihin sa akin iyon, Siguro irita siya. Ewan ko.

Simula rin noon hindi ko niya siya nilalapitan at maging siya ganun na rin ang ginagawa at nilalayuan na rin niya ako.

1 Month din kaming hindi nagkikibuan noon at napaka akward nga ng mga pangyayari ng dahil na rin sa magkabanda kami at hindi kami nag iimikan.

Napapansin na nga iyon ni Say at Kim ehh. Kasi hindi ko na tinangkang sabihin sa kanila dahil alam ko na tatadtarin nila ako ng maraming katanungan pagkatapos.

1 Month na rin at close na kami ni Mark. Araw araw pa nga niya akong pinupuntahan sa bahay para lang magkasabay kaming pumasok pero sa totoo lang kapag kasama ko si Mark ang naiisip ko si CC. 

Ewan ko kung bakit pero iba yung feeling ko kapag nakikita o naririnig ko lang ang pangalan niya nababagabag ako. Hindi ako galit kay CC sa ginawa niya sa akin noon parang naaccept ko na nga yung sinabi niya ehh na para bang napatawad ko na siya.

"That was a powerful performance from the St. Claire's Band! And now for our last Band LEe's welcome The St. John Band!"

Napapitlag ako ng marinig ko na ang malakas na sigawan at palakpakan ng mga tao sa labas.

At nagulat din ako ng biglang hinawakan ni CC ang kamay ko at sabay kaming lumabas para salubungin ang daang- daang tao na nandirito.

Napasinghap ako sa sobrang dami nila. Sabagay may mga 10 Schools ang nandirito para panoorin ang laban.

Napatingin ako kay C na hinihigpitan ang hawak sa kamay ko at tumingin siya sa akin pagkatapos ay ngumiti siya na ikinabalik ng pagkagusto ko sa kanya.

Parang close parin kami sa lagay na ito kahit na isang buwan kaming hindi nagkikibuan.

Tumango ako senyas upang pumunta na kami sa mga pwesto namin kaya tinanggal na ni CC ang pagkakahawak niya sa kamay ko at lumapit na ako sa may microphone stand at siya naman ay kinuha ang gitara pagkatapos ay tumingin ako kay CC para senyasan siya na umpisahan na niya ang pagistrum ng gitara.

Ngumiti siya at nagsimula na siyang tumugtog.

(Play the song po on the right side)

"I remember what you wore on our first day

You came into my life

And I thought hey

You know this could be something

'Cause everything you do and words you say

You know that it all takes my breath away

And now I'm left with nothing..."

Nagsimula ng kumanta si CC at lahat ng tao dito sa Auditorium ng St. John ay nakatingin lahat sa kanya ng tahimik.

&quot;Two is Better than One&quot; (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon