“Hoy Brian bakit di mo sinoli yung notes ko?” seryoso na may halong inis na tanong ko sa mongoloid kong kababata na unfortunately eh kaklase ko pa which if I may add eh buong buhay ko na atang kasama. Nakakaumay na nga yung pagmumukha eh.
“Wala kang pakielam.” Sagot niyang nakapagpainit ng ulo ko. Ang kapal din talaga ng kumag nito eh no? Tandang tanda ko pa kung paano siyang namilit na mahiram yung lectures ko tapos ngayong tapos na niya nang gamitin eh parang wala nalang sa kanya? Wala akong masabi. Ang gusto ko nalang gawin eh hampasin siya ng pagkalakas-lakas.
“Wag na wag ka nang lalapit sakin ha, masasapak lang kita kapag ginawa mo yun!” Nakasinghal kong sabi sa kanya. Aba, ang bwisit ni hindi ako tiningnan, tuloy tuloy sa paglalaro ng temple run. “Hoy!” sinipa ko yung isang paa nung upuan niya. Pinasadahan ako saglit ng tingin tapos ibinalik rin agad sa phone niya. Aba, walanghiya talaga.
“Kris, nag-away ba kayo ni Brian?” tanong sakin ni Ira nung naglalakad na kami papunta ng waiting shed.
“Ba’t mo naman natanong? Kelan ba kami nun nagkasundo?” pabiro kong sagot sa bestfriend ko.
“Ewan ko. Eh kasi badtrip siya, obvious naman dun sa naganap na away sa canteen kanina, tapos nahuli ko pa siyang ang sama ng tingin sayo. May nangyari talaga no?”
“Away sa canteen?” Parang hindi ko ata alam yun. “Anong away?”
“Hindi mo alam?” tiningnan niya ako ng weird. “Ikaw, huli ka talaga lagi sa balita no? Napaaway si Brian kanina kasi binangga niya ata sila Lee. At grupo pa talaga nila Lee naisipan niyang banggain, tindi rin talaga ni Bry eh.”
“Sila Kristoff Lee? Pati si Patrick napaaway?”
Ngumiti bigla si Ira. “Aysus, si Patrick talaga unang tinanong? Hahaha, wag kang mag-alala hindi nagalusan yung labiduds mo. Pero muntik na siyang masuntok ni Brian sa mukha, nagulat nga yung mga nanunuod sa away nung biglang hindi tinuloy ni Bry eh. Parang tanga yung taong yun, nakataas na sa ere yung kamao at ready nang isapak sa mukha ni Patrick tapos biglang parang may naalala, ayun, hindi tinuloy.” Natigilan naman ako sa narinig ko. Si Brian may pinalampas? Eh sa pagkakakilala ko sa kanya wala siyang sinasanto ah. Mapa-adik sa kanto o kahit mala-wrestler ang katawan hindi niya inuurungan.
“Seryoso ka?” tanong ko sa kanya. Gusto ko lang ma-sure kasi nakakapagtaka talaga.
“Bakit ba kasi hindi ka sumabay sakin kanina mag-lunch eh.”
“Eh nabanas ako kay Brian nun eh. Hindi sinoli sakin yung notes ko.” Natawa lang sakin si Ira.
“Para kayong tangang dalawa.”