Pa-drawing nga

25 0 0
                                    

Pa-drawing nga!

" Hi Earl"

"Hi Earl"

"Hello Earl"

"Goodmorning Earl"

Bati sa akin ng aking mga kakilala na tinutugon ko naman ng bati o d kaya nama'y tango na may kasamang ngiti, pagkatapos ay ibinabalik ang tingin sa babaeng naglalakad sa unahan ko.

Kanina kasi ng magkasalubong kami sa gate babatiin ko rin sana siya ngunit naalala kong snob pala siya kaya di ko nalang ginawa. Hanggang sa nakapasok na kami sa room namin. Nakipag apiran ako kay Mario na classmate namin habang siya ay diretso upo at agad na inub- ob ang mukha sa armchair. Umupo na lang ako at tiningnan siya.

Sa lahat ng kaklase ko ay siya lang itong di ako kinakausap. Sabagay kahit sa iba kong kaklase ay ganun siya. Yung tipong babatiin mo siya pero ang sagot lang niya ay tango o di kaya nama'y tunog na 'uh'. Pero saakin talaga siya parang may problema dahil minsan nung binati siya ng isang kabarkada ko ay agad naman siyang timugon dito ng isang bati. Kapag kinakausap ko siya ay hindi rin siya makatingin sa aking mga mata, at nasa 1 to 2 words lang ang lumalabas sa kanyang bibig.

Tahimik na babae si Zoey, pero kung kasusap naman niya naman ang kanyang mga kabarkada ay napakadaldal. Palagi siyang tumatawa tuwing magkausap sila ng kanyang barkada, at sa tuwing nakikita ko siyang ganun ay ginusto kong maging kabarkada niya, para kasi sa amin na nakapalibot sakanya, achievement kung matatawag kapag napatawa mo siya. 

Biglang dumating ang adviser namin kaya agad kaming tumayo at bumati, nang tumalikod naman kami para sa panalangin (nasa likod kasi yung Crucifix) ay saglit na nagtama ang mga mata namin ni Zoey, saglit lang dahil kaagad siyang umiwas ng tingin.

"Okay listen class, may activity tayong gagawin ngayon kagaya nga bang sinabi ko kahapon. So, did you bring your art materials?" sabi ng adviser namin nang nagsimula na ang RHGP time namin. Nagkagulo naman ang mga kaklase ko dahil sa panghihingi ng mga bondpaper at panghihiram ng lapis.

"This activity is called Crushie. Kung noon, sarili niyong mga mukha ang iginuhit niyo, ngayon ay mukha naman ng crush niyo" agad na umangal ang iba naming classmates. Kesyo nakakahiya daw, kesyo wala daw silang crush at kung ano ano pang rason. Ewan ko ba diyan kay Ma'am, ang corny naman ng activity na to.

Pero as usual wala naman talaga kaming magagawa kundi sundin ang sinabi ni Ma'am. Natulala ako saglit tapos ay nakipag-usap kay Mario tungkol sa training namin mamaya sa volleyball.

"Last 20 minutes" paalala ni Ma'am na nagpataranta saamin. Nanghingi ako ng bondpaper sa kaklase ko, ang dadamot nga eh halos nalibot ko ang classroom dahil wala talagang namimigay. Mabuti nalang at may nakita akong envelope na may lamang bondpaper sa ilalim ng mesa ng katabi ko, kinuha ko yun at dinrawingan. Natatawa pa ako dahil hindi ako marunong, ang alam ko lang naman kasing drawingin ay yung mukha ko, yung parang si saski ng naruto, yung gwapo.

Iginuhit ko si Emma Watson, ayoko naman kasing iguhit yung tunay kong crush. Pagkatapos ng mga 5 minutes ay natapos ko na ang akin, tinawan pa ng classmate kong magalaing magdrawing at nang iba kong kaklase kasi ang layo sa mukha ni Emma ang iginuhit ko.

Tiningnan ko ang iba kong kaklase at nakita ko si Zoey na tinatap yung paa niya at kinakagat ang daliri, pag ganyan siya, ibig sabihin ay kinakabahan siya. Sinilip ko ang bondpaper niya at nakita kong wala pang laman iyon.

Tumingin siya sa akin, nabigla siya nang nagtama ang mga mata namin, pero tumayo siya at kinuha ang bondpaper niya lumapit siya sa akin at inilahad ang bondpaper sa harap ko.

"Oh bakit?" pinilit kong maging kaswal.

"Pa drawing nga" mahinang sabi niya, halos bulong iyon eh.

"Di ako marunong, si Justin, try mo" sabi ko

"Marunong ka eh, pahiram  ng science notebook mo" mahina pa rin niyang sabi. Nagtataka nako ngayon, dahil para bang ang close namin, eh hindi nga kami halos magpansinan.

"Ah bakit?" tanong ko

" Basta" sabi niya, kinuha ko ang science notebook ko at ibinigay sakanya. Binuklat niya ito sa likod, ipinakita niya saakin ang mga drawing kong mga mukha ko.

"I drawing mo ako neto please" sabi niya ng di tumitingin saakin. At dahil nga minsan lang naman siya humingi ng pabor at mabait siya kaya hindi kakayanin ng konsensiya mo kung tatanggihan mo ang kahilingan niya.

"Sige na nga" sabi ko at bumalik naman siya sa upuan niya, tapos nag drawing2 kuno para di malaman ni Ma'am na hindi siya gumawa ng activity. Kinakabahan parin siya hanggang ngayon.

"Oh, hindi ka talaga nagsasawa sa kadodrawing ng mukha mo no pare haha" sabi ni Mario habang sinisipat ang pagguhit ko

"Hindi, nagpa drawing si Zoey" wala sa sariling sagot ko, nahihirapan ako sa pag drawing kaya ang ginawa ko, inilagay ko nalang ang bondpaper sa notebook tapos trinace para mas madali.

"Guys! Ang crush ni Zoey si Earl ayiehhh!" biglang sigaw ni Mario nabigla pa ako, natulala, tapos biglang nag sink-in sakin kung ano ang ibig sabihin ni Mario.  Shit?! crush ako ni Zoey?!

Sumunod naman ang kantyaw ng mga kaklase namin, at nang  tingnan ko si Zoey, napapamura siya habang tinatakpan ang kanyang mukha. Pasimple niya akong sinulyapan at nang nakita niyang nakatingin ako sakanya ay agad niya inubob ang mukha sa armchair.

Napangisi na lang ako. May pagka hokage rin tong babaeng to.

Shet di talaga ako makapaniwala. Crush pala ako ng crush ko haha. Buong araw akong nakangiti at nag iisip kung ano nga ba ang dapat kong gawin ngayong crush pala niya ako, gusto ko siya. Dapat ko ba siyang ligawan? Nakakahiya naman baka isipin nun niligawan ko lang siya dahil alam kong may gusto siya saakin. hayy.

THE END

PA-DRAWING NGA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon