With You Is Where I Like To Be (Chapter 1)
Mausok, maingay, pero MASAYA!! – ganyan kung ilarawan ni Julie ang Bar kung san siya naglilibang sa gabi bilang isang Singer. Actually hindi siya regular na nakanta dun, nakanta lang siya kapag feel niyang mag senti at makalimot ..
(FARR BAR)
Pababa na ng Stage si Julie ng …
Guy: Hey Julie !! <sabay hablot sa braso ni Julie>
Julie: what the!! <nagulat ng makita si Derrick> anu na naman bang kailangan mo ?? <nahalatang lasing si Derrick> pwede ba mag usap na lang tayo bukas pag hindi ka na lasing !! <sabay alis>
Derrick: Julie please naman oh kausapin mo naman ako hindi ko kayang mabuhay ng wala ka <nagmamakaawang humarap kay Julie>
Julie: pwede ba Derrick bakit ba hindi mo na lang tanggapin na hindi kita gusto ni hindi ka nga marunong humalik eh kaya pwede ba GET LOST !! <napatingin lahat ng tao kay Julie and Derrick>
Pagkatapos nun tuluyan ng umalis at pumasok sa office ni French si Julie samantala, naiwan namang nakaupo at umaatungal sa may sahig si Derrick kaya napilitan ang mga bouncer na ilabas na ito ng Bar upang hindi na maka abala pa sa mga customer doon.
(OFFICE NI FRENCH)
Pabagsak na nahiga si Julie sa sofa malapit sa table ni French.
French: Oh, bakit di na naman maipinta ang mukha mo ??Don't tell me may isang lalaki na naman ang naghahabol at nangungulit sayo ??
Julie: <napatingin sa kaibigan> san mo naman nalaman yan huh ??wag mong sabihing may cctv camera na tong bar mo ??
French: asa !! Ang sabihin mo hanggang kailan ka ba magiging ganyan ?? Japs naman 5 years ago na yun !! Kailan mo ba isusulat sa diksyunaryo mo yung salitang move on ??
Julie: <inis na tumingin sa kaibigan> pwede ba Maq don't try to open that topic again !! Not now !!
French: Fine !!Fine !! May magagawa pa ba ko ?? Anyways before I forgot magkikita kami ni JC bukas, gusto mong sumama ??
Julie: seryoso ka maq ??
French: oo naman seryoso ako niyaya kitang sumama pero kung ayaw mo okay lang din.
Julie: hindi yun !! Ang ibig kong sabihin seryoso ka na ba jan kay JC ?? Don't tell me Maq mahal mo na sya ??
French: oh eh ano naman ngayon kung mahal ko na siya ?? Saka pwede ba Japs hindi lahat ng lalaki ay katulad ng ex lover mo iba si JC mahal niya ako at mahal ko rin siya kaya kung ako sayo tapusin mo na yang pag bibitter mode mo antagal tagal na nun eh.
Julie: fine !!edi kayo na nagmamahalan hindi na ko makikialam sa inyo but if that JC will hurt you ay nakaw Maq makakapatay na talaga ko ng lalaki !!
French: yayy answeet mo talaga japs kaya love kita eh <hug julie from behind>
Julie: asus !! Kung di lang kita nakikitang masaya pag kasama mo si JC baka matagal ko ng pinatay yun !!
French: hahaha alam mo bes hindi talaga kita maintindihan galit na galit ka sa mga lalaki pero bakit nagagawa mo pa ring makipag flirt sa kanila ?
Julie: simple lang para maparamdam ko sa kanila kung gaano kasakit ang maiwan.
French: naks !! Hinugot sa ilalim ah hahaha oh siya tara uwi na tayo bago ko pa maisipang hiwalayan si JC.
Julie: haha siraulo !!
Sa isang hotel muna umuuwi ngayon sina Julie dahil pinapa renovate pa nila yung bahay ni Julie na malapit lang sa Bar. Kayna julie na rin nauwi si Maqui since patay na ang mga magulang nito. Ang parents naman ni Julie sa states na nakatira since naghiwalay na ang mga ito nagpaiwan na lang si Julie sa pilipinas at sinusustentuhan na lang siya ng mommy niya ang daddy naman niya bihira lang magparamdam.