One Last Kiss 1

8 1 0
                                    

“Sometimes, you just need to let go to gain something better”

One Last Kiss 1

Have you ever experienced being totally in love with someone?

Pero isang araw, maglalaho nalang ng parang bula? Nagmahal ka lang ngunit napakarami na nitong consequences o kapalit sa buhay mo.

Sana nga hawak natin ang kapalaran para makontrol natin ang takbo ng kwentong pag-ibig natin e. Ngunit napakasama naman ni kupido at binali niya ang panang tumama sa inyo.

It takes time to heal the wounds around me, the pain is still here. Pero bakit siya, mukhang okay lang? Ako lang ba ang nasaktan at patuloy pang nasasaktan?

“Athena, do you think this design would fit the house?” tanong sa akin ng client ko.

“Sir, I think it would be, based on the combination of colors and mixture of rocks. This would really fit for a newly wed couple sir.” I slightly smiled.

“Quit that sir, I told you to call me Aaron. I think your perspective is as mine too. It’s what I can see e. So ano sa tingin mo eto nalang ba ang ilagay natin?”

“It’s okay, Aaron. Since I heard that you’re getting married next month Mr. Yan” I honestly said.

“Me? Getting married? I don’t think so. Maybe what you heard was my brother’s wedding not mine.” He said while scanning some stuffs over the brochures.

“Denial eh? I bet it’s you, I just saw you on television probably 3 to 4 days ago with the headling, Mr. Yan is getting married to Ms. Bae, officially. How could you cover that up MR. YAN?” I said emphasizing Mr. Yan. Yeah, weird right? Hindi ko pa nasasabi pero medyo close na ata kami nitong client na ito, almost 1 month ko na rin siyang hawak e.

“Really? That’s my twin brother though, his name is Ian Yan.” Pa-cool na saad nito.

“Ganun? O sige, sabi mo e.” Pagsang-ayon ko nalang. Alam ko naman na kasi talaga na may kambal to e, inaasar ko lang. Trip lang.

“Gutom na ako Athena. Ikaw?” Tanong niya kaya napabaling ang tingin ko mula sa magazine patungo sa kanyang mukha.

“Sige. Tara, nagwawala na ang mga worms sa tiyan ko e.”

Nasabi ko bang gentleman ang taong ito? Haha. Nakakatawa nga e, meron pa palang lalaking ganun sa mundong ito.

“So saan tayo kakain?” Tanong niya na focus na focus talaga habang nagd-drive.

“Sa Sbbaro since yun na yung pinakamalapit. Gutom na ako e.”

“Okay sige.” Pag-sang ayon niya.

Nauna na ako sa loob dahil ip-park niya pa yung kotse niya. Pero I think mali ata yung nagging desisyon ko? Sana pala hindi ko nalang sinabi na ditto kami kakain sa Sbbaro. Sana pala..

                Kasi ang sakit pala? Nakita ko lang naman ang ex ko with another girl na balita ko engaged na daw sila.

                They look happy together samantalang ako? Nalulunod na sa sakit. I just closed my eyes and pretended nothing’s wrong.

“Athena, sorry natagalan, ang bagal kasi nung kotse na kaharap ko kani—Hey are you alright?” Tanong naman niya at napahawak sa noo ko.

“Hindi ka naman mainit. Ayos ka lang?” Pag-aalala niya. Buti pa siya may paki-alam sa akin samantalang ang taong minahal at mahal ko halos magmukha na akong hangin at abo sa kanya.

“Y-yes, I’m fine. Tara na! Kain na tayo, nagwawala na yung mga worms sa tiyan ko at baka mamaya lumabas na sila, wala na akong alaga.” Masiglang sabi ko na hindi ipinapakita ang sakit na nararamdaman ko sa oras na ito.

“Haynaku, kalokohan mo. Corny.” Sabi niya habang pi-nat ang ulo ko.

“Table for two please.” Sabi ni Aaron dun sa waitress.

“This way ma’am and sir.”

“So, anong kakainin mo?” Baling niya.

“Kung ano sa’yo” Walang kabuhay-buhay na tanong ko.

                Wala naman na kasi ata talaga akong buhay, nabubuhay nalang ata ako dahil sa pamliya ko at dahil sa trabaho ko. Eto ako, parang nanonood ng libreng teleserye, pinagmamasdan kung gaano kasaya ang taong mahal ko sa piling ng mahal niya. Haaaaaaaay.

“Huuuy. Ayos ka lang ba? Parang namumutla ka diyan a. Para ka pang nakakita ng multo.” Pangangasar naman ni Aaron.

“N-namumutla? Sino? Ako? Psh. Malakas ata to.” Sabi ko sabay tawa. Sana naidadaan nalang sa tawa lahat ng problema no?

“Denial eh?”  Teka, linya ko yun a. Gaya-gaya talaga to.

“Che.” Pagtataray ko kunyari.

“Ouch, masakit ha. Hahahahahaha!” Aba at humagalpak pa sa tawa.

“At anong nakakatawa?” Tanong ko with taas kilay pa.

“Don’t mind me. Pfft—Lalamig na yang food mo o.”

Sana lahat ng lalaki yung parang andito sa harap ko ngayon. Ang swerte siguro ng magiging girlfriend nito.

A/N: Thank you for reading. One shot lang pala ito.

One Last KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon