F.O.? (2PM)

72 2 0
                                    

Tinakpan ni Wooyoung ang kanyang mga tainga. “Ayoko!” sigaw nito. “Hindi na ko makikinig sa’yo! Sinungaling ka!” dagdag pa niya. Bakas na ang lungkot sa mukha ng kaibigan ngunit tila hindi na mapigilan ng batang lalaki ang paglabas ng kanyang sama ng loob.

Magdadalawang taon nang magkaibigan sina Wooyoung at Nichkhun. Nangako sila sa isa’t isang hindi sila magtatago ng anumang lihim o di kaya naman ay magsabi ng kasinungalingan. Sa kasamaang palad, parehong nalabag ng nakakatatanda sa kanila ang pangakong ito na siyang dahilan ng paghihimutok ni Wooyoung.

Tiningnan na lamang ni Nichkhun ang kaibigan at napabuntong hininga. “Mag-usap na lang tayo kapag kalmado ka na.” sambit nito. Nagulat siya nang ihagis ng kausap ang kanyang unan sa kaniyang direksyon. “Hindi! Hindi na tayo mag-uusap! Ayaw na kitang makita!” sigaw niya at pansin na ni Nichkhun ang namumula nitong mukha. Galit na nga talaga siya. Isa pang tingin bago niya tuluyang iniwan ang kaniyang kaibigan.

“Sana mapatawad mo pa ko, Wooyoung.”

---

Mag-iisang linggo na mula ang kanilang away. Ang buong akala ni Nichkhun ay normal na away lang ito. Noong gabing iyon ay isang gulat na Ok Taecyeon ang inibutan niya sa kaniyang silid.

Himala yatang dito ka matutulog.

Nag-away kami eh.

Lilipas din yan.

At umasa siyang tama ang matalik niyang kaibigan ngunit… mali siya. Naupo siya sa hapag-kainan. Halos kumpleto sila ngayon.

“Chansung-ah! Kumain ka na at mahuhuli na naman tayo eh.” Angal ni Junho. Sinusubuan niya ang bunso nilang kaibigan na kasalukuyang naka-ismid at nakatiklop ang braso sa kanyang dibdib.

“Hay nako. Gusto mo lang magpasubo eh! Chansung malaki ka na!” at bago pa maubusan ng pasensya si Junho ay kinuha na ni Nichkhun ang plato ni Chansung at kinalong ang limang taong gulang na bata.

“Chansung-ah~” nginitian niya ang bata at nakita niyang pinansin siya nito. “Pag kumain ka nito, ililibre ka ni hyung ng paborito mong saging. Gusto mo ba yun?” at parang magic, nakita ni Nichkhun ang interes ni Chansung sa pagtapos ng agahan.

“Magaling ka lang talaga mambola ng bata eh no?” Napatingin si Nichkhun. Kabababa lang ni Taecyeon mula sa kanilang kwarto.

Ngumiti na lang si Nichkhun. “Bilib ka lang naman eh.” Pang-aasar nito. Kumuha si Taecyeon ng kanin mula sa rice cooker at naupo sa tabi ni Junho. “Asan si Wooyoung?”

Nilunok muna ni Junho ang kinakain bago sumagot. “Naliligo pa lang.” Napapikit pa siya dahil akala niya pagtitripan na naman siya ng kuya niyang ito. “Sira, may kanin ka sa pisngi.” Sabi nito sabay gulo ng kulot niyang buhok. Nainis si Junho dahil magulo na naman ang kulot niyang buhok “Hyung naman eh! Suklayan mo ko mamaya ah!”

“Oo na.” Natigilan siyang bigla nang maupo si Wooyoung sa hapag-kainan. Hindi pa rin sila nagpapansinan? Napaisip siyang biglang-bigla at nakita niyang hindi na mapakali ang matalik niyang kaibigan.

Alam ni Taec na hindi si Nichkhun nagkulang sa pagsuyo kay Wooyoung. Sadyang nag-iinarte lang talaga siya at hindi na malaman ni Taec kung ano talaga ang kinagalit ni Woo at pakiramdam niya unti-unti ng nawawalan ng pag-asa si Nichkhun. Kilala niya si Nichkhun. Marahil nga may pagkamayabang siya at loko-loko kung minsan (palagi) pero may soft-side ang binata at si Wooyoung yun. Masyadong mahalaga ang pagkakaibigan nila kaya alam niyang nagdaramdam ito. Gustong gusto niyang tumulong kasi ayaw niyang nakikitang malungkot ang kaibigan niya pero ano nga bang magagawa niya kung patuloy lang magmamatigas itong si Wooyoung?

F.O.? (2PM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon