HIDDEN VOICE
PROLOGUE
Paano mo masasabing sigurado ka na sa mga desisyon mo? Yung wala nang aangal sa mga gusto mo. Well in fact, you want to show the world what you can do, the thing is there’s always someone or something may be blocking your way in going for it.
Talent. Is it just a word? Or perhaps.. it does have a deeper meaning. Sabi nga nila, God gave us talents to show it to the world. Follow your heart and you’ll get the true meaning of life. Pero paano mo gagawin yun kung ikaw mismo ay takot. Takot harapin ang anumang pagsubok sa life mo.
Dito natin malalaman kung paano na pag tagumpayan ng isang tao ang mga pagsubok nito. Because this person believes in faith, inspiration, courage, hope & love.
--and the story begins…
<Leigh POV>
“Leigh!”
“Jax? Bakit?”
“uhm.. ano kasi.. punta ka mamaya sa gig ha?”
“gig? Ah.. ano parang---“
“of course naman, jax! Pupunta kami mamaya ni Leigh!”
0_o
=_=
Kahit kailan ka talaga, best!! Panira!
“Talaga?! Cge ha? Kita nalang tayo mamaya!”
Nang makaalis na si jax..
“Aray!” paano kasi binatukan ko…
“huy babae! Ba’t mo naman sinabing sasama tayo mamaya?”
“Ito naman! Para yun lang? bakit ayaw mo ba talaga? O… ayaw mo lang siyang Makita?”
(batok!)
“aray best!!”
“nakakainis ka kasi!”
“sus! Kunwari pa! if I know!”
“aba’t?! gusto mo pa?”
“sorry na! sorry na! di na po mauulit!”
“tsk! Tayo na nga!”
Hahaizt.. life talaga oh!!
Oo nga pala… di ko masyadong na introduce yung sarili ko… ako nga pala si Leigh Marie Martinez. At kasama ko ngayung yung bestpren ko si Francine Mae Sanchez. At yung kaninang kausap naming ay si Jax Joseph Olorvida. In short, JJ.
Isa kasing lead vocalist si Jax sa school namin. Kilalang kilala sila sa mga tao doon pati na yung ka bandmates niya: si Arthur James Aragoda, ang bassist. Si Jake Suarez, ang drummer. At si Lance Zenen, ang lead guitarist. Silang apat ang tinatawag na ‘Jansport’.. ewan ko ba sa kanila kung bakit yan pa ang napili nilang pangalan sa band nila.. bag lang ang peg?! Hahaha.. di joke lang.. ang unique kaya ng band name nila!
Sa gig…
Ng makarating kami sa gig nila, isa lang ang hinahanap ng mga mata ko….
“uy leigh! Buti nakapunta kayo.” -jax
“kami pa! di kaya namin papalampasin ang concert niyo!” –francine .. ito na naman siya.. singit ng singit.. tsk!!
“pero, I’m glad you came here guyz!”
Maya-maya lang…
“Ladies & gentlemen, let us welcome the ‘jansport’!”
Whooh!! Whoooh!!
“go jansport! Go jax!” girl 1
“I love you jax! Go!!” girl 2
Tsk! Ang mga lalandi ng mga ito.. batukan ko kaya! Hmmph!