Pangako

33 2 0
                                    

Note: Listen to the song para mas feel~

***


Andre's POV

"Itigil na na 'tin 'to." Seryoso kong sinabi. Ayokong gawin 'to, pero kailangan.. "Ititigil yung ano? Andre naman, nasa gitna na tayo eh, akala ko ba magiging tayo hanggang sa huli?" Nangingiyak niyang tinanong.

"M-may mahal na akong iba. Sorry." Sagot ko.. Tumutulo na ang luha ko, mga traydor talaga.. "Akala ko ba ako lang? Bakit may iba pa?"

"Nagsawa na ako.." Sabi ko. Ang hirap niyang tignan ng ganyan, gusto ko siya yakapin ng mahigpit at sabihing binabawi ko na. "Saan ako nagkulang? Lahat na binigay ko sayo, Andre. Hindi pa rin ba sapat?" Halos hindi ko na maintindihan yung sinasabi niya, bawat salita ay mayroong hikbi.

"Aalis na ako. Sana makalimutan mo rin ako." Sabi ko sa kanya. Hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay, agad ko itong inalis.

Tumingin ako sa kanya bago ako umalis. Nadudurog ang puso ko nang makita siyang umiiyak. Gusto ko siyang balikan, pero pinili ko pa ring umalis.

Alalahanin mo, Iris, yung pangako ko..

Mamahalin kita hanggang sa huli. Kahit ano pang mangyari.

Dahil mahal pa rin kita...


Iris' POV

Ilang araw nang lumipas nang kami ay maghiwalay. Aaminin ko, sobrang sakit. Hindi ko akalaing iiwan niya ako. Naniwala ako sa pangako niya eh. Naniwala ako na mamahalin niya ako.

Tinignan ko ang singsing kong suot ko pa din. Hindi ko ito kayang alisin. Kasi naniniwala ako na babalikan pa rin niya ako. Na isa lang ito sa mga pasabog niyang palagi niyang ginagawa. Hindi pa ako handing tanggapin ang katotohanan.

Inaya ako ng mga kaibigan ko na gumala, pinag-iisipan ko kung sasama pa ba ako o hindi. Bigla na namang sumagi sa isip ko, "Baka eto na yun, kaya nila ako inaaya kasi iso-surprise niya ako." Kaya agad akong pumayag, umaasa na tama ang iniisip ko.

Pero agad akong nasawi nang matapos ang araw, walang Andre na nakikipagbalikan sa akin. "Hindi, baka hindi pa ito ang tamang panahon." Bigla kong naisip. Naganahan ako, at patuloy na umasa.

Ilang linggo ang nakalipas, at wala pa rin ang inaasam-asam ko..

"Babalik pa ba siya?" Tanong ko sa sarili ko. "Nagpapakatanga lang ba ako?" Muli kong tinanong ang aking sarili. Tumutulo na ang aking luha, habang napapa-isip.

Baka nga, baka nga hindi na siya babalik. Baka nga nagi-ilusyon lang ako tulad ng sinasabi ng aking mga kaibigan. Tama sila.. Kailangan ko nang makalimot.. Susuko na ako...

Wala na ring silbi ang pag-asa ko sa taong hindi na mapapa-sa'kin. Tatanggapin ko na lang na may iba na.. Hindi na ako ang makakapag-bigay saya sa kanya. Hindi na ako ang rason sa matamis niyang ngiti.. Iba na ang patatawanin niya gamit ang mga kalokohan niya... Wala nang bumibisita tuwing umaga para lang gisingin ako.. Wala nang maghahatid sa akin papunta sa trabaho at hahalik sa aking noo bago umalis.


Tuluy-tuloy ang pagdaloy ng aking luha habang iniisip ito.. Masakit man isipin ang lahat ng ito, pero ito ang totoo.

***

Habang ako ay nagsasaya kasama ang aking pamilya, bigla ako nakatanggap ng tawag. Ang nanay ni Andre ang tumatawag..

Hindi ko ito sinagot, marahil baka bumalik ulit ang lahat ng pinaghirapan kong kalimutan. Ilang oras ang lumipas, at muli siyang tumawag. Hindi ako nakapagpigil at sinagot ito..

" 'Nak, pumunta ka sa St. Luke's Hospital.." Agad niyang sinabi pagkasagot ko ng tawag. "Bakit po, ma?" Tanong ko sa kanya..

Hindi niya ako sinagot, at inulit ang kanyang sinabi at binaba ang tawag. Agad naman akong nagmadaling pumunta.

Pagkapasok ko ng ospital, agad kong nakita ang nanay niya at kapatid na naghihintay sa akin.. Agad nila akong linapitan at kami'y nagbatian. "Gusto ka niya makita, 'nak." Sabi niya sa akin at ngumiti ng mapait. Hindi na ako nagtanong pa dahil malalaman ko rin kung sino..

Ipinunta niya ako sa kwarto, at iniwan. Pumasok ako sa kwarto at nakita ko siya, madaming nakasaksak sa kanyang katawan, ang kanyang balat ay napakaputla, malaki rin ang pinayat niya. Naiiyak ako sa aking nakikita, hindi ko akalaing ganito siya kalala. "Iris.." Pagbanggit niya, at ngumiti. "Hindi ko akalain na pupunta ka pa rin, pagkatapos ng ginawa ko sayo.."

"Hindi ko naman alam na ikaw ang andito.." Sabi ko sa kanya..

"Sorry, at baka naabala kita.. Alam kong birthday ngayon ng kapatid mo, at mas kailangan ka doon. Pero gusto lang talaga kita makasama sa natitira kong oras sa mundo." Sabi niya, at ngumiti. Napakatagal ko nang gustong makita ang kanyang ngiti. Yung ngiti niyang nakakabuo ng araw..

"Bakit hindi mo ito sinabi sa akin?" Agad kong tinanong sa kanya. "Dahil ayokong malaman mo na may taning na ang buhay ng mag-iisa mong mahal. Kaya kita hiniwalayan. Kasi alam kong masasaktan ka pag nalaman mo iyon." Sagot niya.. "Kaya naman na'tin 'tong lagpasan, di'ba? Kakayanin na'tin 'to,"

"Ikaw lang, mahal.." Nangingiyak niyang sinabi sa akin.. "Mukhang hindi ko kakayanin ang laban 'kong ito.."

Hinawakan ko ang kanyang kamay, napakalamig nito, at sobrang hina. " 'Wag mong isipin 'yan. Kakayanin mo 'yan. Magtiwala ka."

Ngumiti siya ng mapait. " 'Yan, 'yan ang isa sa mga rason kung bakit kita minahal. Napaka-positive mo, kahit anong sitwasyon, kahit anong problema, nagagawan mo ng paraan para maging matatag ang isang tao.."

"Iris, alam mo ba, na napakaganda mo?" Bigla niyang tinanong. "Pero mas maganda ka 'pag hindi ka umiiyak. Kaya punasan mo 'yang luha mo, at ngumiti." Sabi niya sa akin..

"Manatili ka na ganyan hanggang sa mawala ako.. Babantayan kita palagi para makita 'yang mga ngiti mong napakatamis."

"Alalahanin mo, na mamahalin kita hanggang sa huli, Iris. At patuloy kitang mamahalin kahit mawala pa ako sa mundong ito." Sabi niya sa akin, at pinunasan ang luha ko. Bakit ba kailangan niyang maging ganyan? Napakasakit nito, mas masakit pa nung hiniwalayan niya ako.. "Sobrang napasaya mo ako ngayong araw, Iris. Matagal ko nang hinihintay na dumating ka."

"Nagpapasalamat ako sayo, dahil ang walang kakulay-kulay kong mundo, ay ginawa mong makulay. At salamat rin, dahil nakasama kita sa natitirang oras ko.. Mahal kita, Iris.." Sabi niya, at unti-unting nawalan ng malay.

Mabilis kong tinawag ang mga nurse. Hindi pwedeng mawala ang aking mahal..

Hindi pwedeng mawala siya..

Magkakaroon pa dapat kami ng pamilya, magkakaroon pa kami ng mga anak na makukulit, nagtatakbuhan sa labas ng bahay habang kami ay nanonood.

"Time of death, 10:11PM." Bigkas ng doctor.. February 11, 10:11PM, nawala ang aking mahal..

Paalam, Andre. 'Wag mo akong kakalimutan..

-END-

Pangako (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon