Green-Minded #7

162 2 2
                                    

"Ma-manny?"

"Uh-eh. Ano kasi eh, Vierde may ibibigay sana ako sayo eh. Sabi kasi ni Kevin mahilig ka dito eh." Nauutal-utal niyang sabi.

"Uh, okay" Napatingin ako sa paligid at narealize ko na madilim na pala. Napapikit ako dahil takot ako sa dilim.
Baka may makita akong Incubus dito!

Narinig ko na parang naghahalungkat siya habang nagsasalita.

"Pasensya na ha, hindi kasi 'to ganun kahaba at kataba."

Wait, anong ibig niyang sabihin?

"Wait lang ha, Sorry din, hindi kasi 'to makinis. Sobrang gaspang kasi nito eh" He continued.

Wa-wait, ano ba talagang ibibigay ni Manny sakin?
Napatango na lang ako habang nakapikit parin.
Maya-maya lang nakarinig ako ng tunog ng zipper. Oh no! Don't tell me, yung 'ano' niya ang ipapakita niya sakin. Ibig sabihin yung binubuksan niya, zipper ng pantalon niya?!

"Ay himala! Maliit 'to kanina ah. Biglang lumaki at aba! Tumaba! Kaso hindi pa rin ganun kahaba eh, wag kang mag-alala matulis ang dulo nito."

Oh My Gosh! Aaminin ko green-minded ako. Pero hindi pa ako nakakakita ng 'ganun'. Uh, you know what I mean.

Maya-maya pa, may naramdaman akong magaspang at mabalahibo sa braso ko.

"Vierd, sorry ha kung maliit lang to. Okay lang ba kahit maliit lang?" Tanong niya habang tinutusok sa braso ko ang 'basta iyon'.

"HA? AH, Oo nam—" Naputol ang sasabihin ko nang biglang may naramdaman akong parang may  sumabog at mabasabasa. Yuck!!!

"Hala!opps! Vierd Sorry sumabog na agad! Pasensya na sobrang higpit kasi ng pagkakahawak ko."

"Ha? ah o-okay lang. Hehe...."  Pero sa totoo lang, hindi ako okay. Ang lagkit eh.

" Sandali ha punasan ko lang para---"
"Stop!"  Can't take this anymore! Sa tingin  niya ba , makakayanan kong tingnan ang isang---ang isang malaking -- malaking ano, ah ano uhm--- malaking kasalanan! Tama! Isang malaking KASALANAN!

"Ba-bakit naman Vierde? Eh di ba mahilig ka sa ganito? Ayaw mo bang makita ang----?"

"Sabi ko STOP!" Sabi ko habang nakapikit parin. "Wala ako balak makakita ng----
Ng isang mabalahibo at mahaba ang tuka ng ibon! Ayaw ko ng angry birds!"

Saglit siyang natahimik."A-ano bang sinasabi mo Vierde? M-may hawak lang naman akong okra ah.

Wait loading... Anong sabi niya? OKRA?! This time, unti-unti ko nang binuksan ang mga mata ko. Nakita ko lang naman ang nakatayong si Manny sa harap ko habang hawak ang okrang nakatutok sakin,

"O-okra?" Tanong ko?

"Oo. Diba paborito mo 'to?"

Agad kong kinuha ang mga hawak niyang okra.

"H-ha? Ah! Oo! Hehe paborito ko 'to. Thank you ha. Una na ako. Bye!" Sagot ko at kumaripas na ako ng takbo.

"H-hoy! Vierde, sandali!" Sigaw niya pero hindi na ako lumingon pa.

Hay! Naku! Kailan kaya matatanggal ang mga lumot sa utak ko?! Makauwi na nga!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 20, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Istorya Ng Green-Minded [Short Story]Where stories live. Discover now