Chapter 7

1.2K 35 1
                                    


Mackenzie's POV
Lalalala~~ pakanta kanta pa ako habang sinusuklay ang maganda at kahabaan na may pagka kulot na buhok ko"itong white hairban na lang ang susuotin ko" sabi ko at nilagay na sa buhok ang hairban

Sabado ngayon ibig sabihin walang pasok....

Dahil naka-robe pa ako dahil kakatapos ko lang maligo, sinuot ko ang maganda ko na white dress na pangbahay

Dahil tapos na ako mag ayos lumabas na ako ng kwarto at bumaba sa sala kung nasaan si tita kasama si tito at Yuki

Napanguso ako, wala kasi si Nicolo nasa school dahil may laro sila sa basketball, isa kasi si Nicolo sa varsity namin at siya yung captain

"Wow! Ang ganda mo talaga Kenzie" puri ni tita ng tumingin sakin

"Maganda nga... Stupid naman"

"Ano binubulong bulong mo jan bata" nakataas pa ang kilay ko na tanong kay Yuki habang nakapamewang

"Sabi ko ang panget mo at stupid" binatukan naman siya ni tita "Ikaw talaga na bata ka" at kinurot pa ito sa tenga ng mahina


"Mama naman eh... Ang brutal mo talaga" maktol ni Yuki habang hinihimas ang batok at tenga

"Ikaw kasi lagi mo sinasabihan ng ganyan ate Mackenzie mo" sabi naman ni tito sa kanya

"tsk!" ismid na lang ito at nagbasa na lang ng comics book


"Hindi kaba pupunta sa restaurant ng papa mo Kenzie?" tanong ni tita, umiling naman ako at umupo sa pang isahan sofa

"Nasa Laguna po si papa dahil may isa pa po kami na restaurant dun" tumango na lang ito

"Talaga? Hindi ko alam yan ah" sabi ni tito "Bago pa lang po yung sa Laguna" sabi ko

Tumango naman si tito "ganun.. Sige sa summer puntahan natin yan" pumalakpak naman si tita "Tama tapos diretso outing na tayo"

"Maganda na balita yan Hon" sang ayon ni tito, "Pwede po ako magsama ma,pa?" tanong ni Yuki sa magulang

Tumango naman si tita "Oo ba, mas masaya kung marami tayo ikaw din Kenzie magsama ka din ng kaibigan mo" alanganin naman ako tumango

Paano ako magsasama, kasama din si Nicolo at baka malaman na nakatira kami sa iisang bubong

"Wala ka bang ibang lakad ngayon Kenzie?" tanong ni tita, umiling naman ako "Wala naman po, bakit?"

"mag mall tayo, gusto ko kasi talaga mag mall kasama ka para maranasan ko ulit ang girls bonding" nakangiti na sabi ni tita

"Sige po magbibihis lang po ako" sabi ko, pinigilan naman ako ni tita

  "Naku Kenzie okay na yan, mukha naman siya na pang alis eh" tinanguan ko nalang si tita

At sinuot ko na lang ang white doll shoes ko, at kinuha ko na lang ang shoulder bag ko at nagbitbit ng pocket money

"Tara na Kenzie" anyaya ni tita ng makababa na ako, nakaayos na din siya

Pagdating namin ni tita sa Mall agad kami nag ikot ikot, tapos lahat ng makita ni tita na gusto niya binibili niya din

Pati ako binibilhan niya

Makalipas ang ilang oras natapos na kami ni tita sa pag shashopping, kaya kumain muna kami sa food court

Mas gusto daw kasi ni tita sa food court, pagtapos namin naglakad lakad muli kami bago umalis

Kaso napatingin ako sa isang shop

Napangiti naman ako at nagpaalam kay tita na may bibilhin lang ako sa loob ng shop...

"Buti nakauwi na kayo" salubong ni tito samin ni Tita pagkapasok pa lang namin ng bahay

"good evening Hon" bati ni tita sa asawa at hinalikan ito sa pisngi "Musta ang pag shopping mo with Mackenzie?" tanong ni tito nang makaupo kami sa sofa

"okay naman, super nag enjoy ako kasama si Kenzie... Parang mother and daughter bonding lang namin" nakangiti na sagot ni tita

Napangiti naman ako ng makita ko si Nicolo paakyat ng taas galing lang siya sa kusina

"Nicolo" tawag ko sa kanya, tamad na lumingon siya sakin, nilapitan ko siya dala ang isang paper bag

Inabot ko sa kanya "Para sayo gift ko sa pagtutor mo sakin" nakangiti na sabi ko

Ito yung binili ko sa shop kanina

"Perfume?" tumango naman ako "Oo,wala kasi ako maisip tapos nakita ko kanina yan at naisip ko na ito nalang ang ibigay ko" sabi ko

Umiling naman ito "thanks but no thanks, sana hindi ka na lang nag abala" sabi niya at tumalikod na

Napanguso naman ako

"Nicolo, tanggapin mo na ang regalo sayo ni Kenzie" diin na sabi ni tita, busangot naman ito humarap

"But ma, I Don't need that meron na ako" sabi niya, nilapitan naman siya ni tita at pinalo sa braso

"Umayos ka Nicolo" kinuha ni tita ang paper bag at kinuha ang kamay ni Nicolo at nilagay dun "Pasalamat ka may regalo si Kenzie sayo"

Umirap naman ito "Tsk! Fine.. Thanks" at umakyat na ito,

Napangiti naman ako

Sa wakas tumanggap si crush ng regalo mula sakin yipie....


Kinabukasan, Pagtapos ko magbihis ng uniform at mag ayos ng buhok syempre pati isuot ang sapatos ko bumaba na ako

Ngayon araw pala malalaman ang mga Ranking ng mga studyante ng Grade 11 sobrang kinakabahan na talaga ako

"Lord, sana po makapasa ako sa Rank 100" dasal ko pa habang pababa ng hagdanan

"Kenzie tara kain ka muna bago pumasok" anyaya ni tita Irene, umiling naman ako
"Hindi na po Tita sa school na lang po" sabi ko at nakipag beso beso na sa kanya at nagpaalam na

Pagdating ko sa school, nakita ko na ang kumpulan ng mga studyante sa bulleting board

Tumingin naman ako


Rank 1: Xiang,Nicolo Irie F.


Ang galing talaga ni Nicolo Rank 1 na naman siya, super genius niya talaga sana lahat may katulad niya na talino

Pero sabi nga nila lahat naman tayo matatalino, tamad lang tayo gamitin parang ako lang hehee...

Tumingin naman ako sa Rank 100


Napangiti ako ng makita ko na Lopez, last name ko pero napawi yon ng makita ko ang pangalan

Rank 100: Lopez,Mandarin C.


Napanguso na lang ako wala talaga pag-asa na makapasok ako sa Rank 100

Nakita ko naman si Nicolo

Naglakad lakad na lang ako at na may kalungkutan sa loob ko dahil sa resulta,

Nakita ko si Nicolo mag isa naglalakad kaya nilapitan ko tutal wala naman mga studyante

"Congrats Nicolo Rank 1 ka na naman" bati ko sa kanya, poker face naman siya tuminggin sakin


"Paano ako hindi makaka Rank 1 ulit kung first time ko mag review sa talang buhay ko?" masungit na sabi nito, napanguso naman ako "ang kahit naman hindi ako mag review makakapasok pa din ako"


Naglahad naman ito ng kamay, kaya hinawakan ko at nag shake hands kami

Binawi niya naman ito "Hindi ko sabi mag shake hands tayo chancing ka din" poker face na sabi niya

"Akin na" tipid na sabi niya, nagets ko din naman

Kaya nilabas ko sa bulsa ko "Itong picture ba" pakita ko sa kanya

Hinablot niya naman agad "wag mo nga ilabas ng ganyan, mamaya may makakita pa" inis na sabi niya

At naglakad na "Alis na ako may makakita pa"


Napangiti naman ako, ngayon ko lang siya nakausap ng ganun katagal at masaya na ako dun

Basta kay Nicolo kahit anong bagay masayang masaya na ako


Habang naglalakad ako nakasalubong ko naman si Andrei at Gelo

Nakangisi naman si Andrei sakin


"Hi Ms.Femtometer" ngisi pa nito "Ipapaalala ko lang sayo yung deal natin at alam mo naman talo ka" at tumawa pa ito

"Simulang mo na ngayon para hindi ka gabihin sa dami na gagawin mo"


"Alam ko, bwisit ito" sabi ko pero bulong lang yung dulo, kutusan ko siya eh...


"Sumunod ka" sumunod namn ako

At pumasok kami sa Section A section nila ni Nicolo


"bakit nandito yan Andrei?" tanong ng isang babae na pagkakaalam ko si Audrey ang Queen Bee ng C.H.U

"Diba may deal kami at talo siya" ngisi na sagot ni Andrei


"Ang lakas hamunin si Andrei, alam naman na talo siya" sabi ng kaibigan ni Audrey

"Ang low class na tulad mo na Section F walang pag asa na makapasok sa Rank 100 kaya wag kang umasa" sabi pa ng isang kaibigan ni Audrey maikli ang buhok

Nag tawanan sila, may lumapit naman sakin isang lalaki na may hawak na walis at dust pan

"Simulang mo na at marami ka pang lilinisin na classroom at pati pa yung comfort room"
Napatinggin naman ako kay Nicolo na tahimik lang na nakaupo habang nagbabasa

Umaasa ako na sana ipagtanggol niya ako pero alam ko na malabo yung

Ang gaga mo talaga Mackenzie

Iniwasan ko wag maiyak dahil hindi yung ako, hindi ako iiyak sa kanila

Ngumiti na lang ako nang pilit
Sisimulan ko na dapat mag walis ng may sumigaw


"Saglit!!!"

Miss In Kiss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon