May bagay na pinagtatagpo pero hindi ibigsabihin nun ay makakasama mo siya hanggang dulo.
May mga pangyayari at may mga nararamdaman na hindi mo inaasahan na magtatagal pero sa huli may hangganan din ito.
May mga taong totoong nagmamahal pero ang pagmamahal na ito ay hindi masusuklian man lamang.
May mga totoong taong naghihintay sa mga pagkakataon pero hindi din ito darating.
Marami nang nangyari at taon na ang lumipas.
Nanatiling nagmamahal, naghihintay at umaasa na balang araw mangyari ang bagay na hindi inaasahan. Mga bagay na hinihintay mong mangyari.Ang kwentong ito ay tungkol sa taong nagmahal ngunit hindi minahal.
Hango sa totoong kwento ng tunay na pagibig ni CGM ng Mindoro.
Hi Jk. Ako to si Cha.
Ang nagmahal sayo simula pa noon. Noong tanungin ni Cha ang ulan kung crush mo din ba siya. Masayang-masaya siya noon dahil nasagot nito ang tanung niya. Ang tooo nakiusap talaga siya sa kalangitan kung pwede ba na umulan.
Nalungkot lang siya nang sabihin mo na. "Cha hindi tayo talo". Pero ok lang sa kanya para kasi sa kanya hindi nman ibig sabihin nun e wala na siyang pag asa sayo JK.
Makalipas ang mahigit limang taon. Nakakalungkot lang isipin na hindi man lang kahit minsan pinagtagpo ang inyong landas.
Masyado kang malayo Jk kay Cha. At masyado ding malayo si Cha sayo. Hindi lang pagitan ang malayo sa inyo. Ganun din katayuan nyo sa buhay.
Ganun din ang pagkatao niyo in and out. Pwedeng ko bang sabihin na hindi nyo maabot ang isa't-isa. Kaya wala kayo pag asa..
Jk! Mahal ka ni Cha. Malungkot siya sa mga oras na ito dahil kakalimutan ka na niya ngayon. Pagkatapos ng sampung taon ng paghihintay kung anong dahilan bakit ganun ang nararamdaman niya para sayo ay tatapusin niya na ito ngayon. Masakit man para sa kanya pero gagawin niya ito para mabigyan niya ng pansin ang mga taong handa siyang pasayahin.
JK. Alam niya na hindi mo ito ginusto para gawin niya. Hindi mo ito sinabi na ito ang gawin niya. Kusa niya ito ginawa dahil sa nararamdaman niya sa iyo.
Willing siya na ito ang gawin niya. Wag mo sana isipin na sinisi ka niya kung bakit ganito siya sayo. Alam mo masaya siya sa naging desisyon niya na mahalin ka ng hindi mo alam. Mahalin ka ng palihim.
Marami siyang naacomplish kasi naging inspirasyon ka sa katulad niya. Sinubukan niya na abutin ka. Kahit nahihirapan siya.
Marami siyang pangarap na gustong abutin dahil sayo. Malaki ang naging parte mo sa buhay niya. Pero alam niya hindi mo alam lahat ang mga iyon.
Marami siyang alam sa iyo. Kaya nga humanga siya sa iyo. Maari ding hindi lahat. May bagay siya na nagustuhan sa iyo at iyon ay ang laman ng puso mo.
Pero nakakasiguro ako na hindi mo alam na isang napakangandang mundo ka sa taong tulad niya. Naging isang magandang inspirasyon ka sa tulad niya.
Now!. Para sa kanya hindi maganda na babae pa ang mauna umamim sa isang lalaki.
Mahalaga ka para kay Cha, Jk. Kahit alam niya na ikaw ang isang tao na hindi niya makukuha. Na hindi magkakameron siya, pero masaya siya para sa iyo..
Masaya si Cha, dahil alam niya masaya ka na. Alam mo ba ang hiling niya ngayon na sana ay maging masaya ka ngayon at sa habang buhay. Maging masaya ka JK, para sa kanya. Dahil masaya si Cha kung saan ka masaya JK.
Because for her, happiness is everything! And THAT'S the thing she want to have you.She was really sorry for loving you. At kahit siya humihingi siya ng tawad sa sarili niya dahil minahal ka niya.
Jk, Sorry ang mababanggit niya kasi ito na ang huling pgkakataon na alalahanin ka niya. Ito na huling sandali JK na mgsusulat siya tungkol sa iyo.
Tandaan mo na may nagmahal sa iyo na tulad niya pero hanggang ngayon na lang yun.
May mga desisyon na ang puso ang nagdidikta at ito ang gusto nito.
At kung makilala mo man ako. Ok lang kasi ito na ang huli na makikilala kita.
At may mga bagay na tama pero hindi dapat na ipagpapatuloy pa...
Tama na mahalin ka pa, pero hindi dapat na ipagpatuloy pa ito.
GOODBYE!!! JK!:(