SIYA BA?
Dear You,
Siya ba yun?
Siya ba yung taong hindi maalis sa isip mo?
Siya ba yung taong nagpapasaya sayo? Nagpapalungkot? Nagpaparamdam ng selos?
Pero siya rin ba yung nagbibigay sayo ng kasiyahan?
Siya yung taong kahit paulit-ulit kang sinasaktan, Siya pa rin?
Siya ba yung taong pangarap mo? Pangarap mo lang na sobrang hirap abutin?
Siya ba yung taong minsan o madalas hanggang tingin ka nalang?
Siya ba yung taong nahihiya ka kapag andyan? Yung nagiging conscious ka sa mga
ginagawa mo kasi andyan siya?
Siya ba yung taong nagbibigay kaba sa dibdib mo? Lalo na kapag tumama yung mga tingin niyo?
Siya ba yung taong lagi mong tinitingnan pero kapag tumingin sa direksiyon mo todo iwas ka?
Siya ba yung taong lagi mong hinahanap-hanap?
Yung taong gusto mo laging kausap kahit sa facebook lang?
Siya ba yung taong kakaiba sa lahat?
Yung mga sinasabi niya na sobrang hindi mo talaga aakalain na galing sa kanya?
Siya ba yun? Yung taong hindi mo alam pero bigla nalang nag-iba sa paningin mo?
Yung taong akala mo dati yun siya, pero hindi pala?
Yung taong mas kilala mo na ngayon? Mas naiintindihan mo na?
Siya ba yung taong tingin mo ay naiintindihan ka rin?
Yung kahit saktan ka niya ng paulit-ulit ayos lang basta siya ang mananakit?
Siya ba yun? Yung taong gusto mo laging nakikita?
Yung ang linaw ng mata mo parang magnifying glass?
Siya ba yung taong nagpabago sa mga pananaw mo sa buhay?
Yung taong nagturo sayo ng mga bagay-bagay?
Siya ba yung mahal mo? Yung dahilan para masaktan ako?
Siya ba? Siya ba yun? Yung sagot sa tanong mong "SINO KA NGA BA?"
-Please answer.
Oh. It's me.