"Ano na naman bang pakulo to, Kate? I have more important things to do tonight than to be here and give in to your childish whims." May bahid na iritasyon na ang boses niya. I invited him to have dinner with me tonight, ayaw niya pa nga pero hindi ko siya tinantanan. Kinulit ko ng kinulit hanggang sa huli pumayag na rin. Sobrang workaholic talaga ng lalaking to. Wala ata sa bokabularyo niya ang salitang 'chill' at 'pahinga'.
"Chill, love. I swear, I'll make it worth your time." I'm not sure kung natatandaan niya kung anong araw ngayon sa dami ng trabaho niya. Pero ako, matagal kong hinintay tong araw na to. Today is our first anniversary. Sobrang saya ko dahil umabot kami ng isang taon. Akalain mo yun, natagalan ko siya? Lihim akong napatawa sa loob-loob ko. Siguradong susungitan na naman ako nun pag nalaman niya kung anong iniisip ko.
Pinaghandaan ko talaga ang araw na to, mula sa damit na susuotin ko, pati sa mga pagkain. Pinaghirapan ko pa talagang lutuin ang mga paborito niya. I was also the one who set up the table for our candle-light dinner. Napili kong sa Searenity, resort na pagmamay-ari ng malapit kong kaibigan, ganapin to dahil dito kami unang nagkakilala.
I am guiding him since nakapiring siya. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya ngayong papalapit na kami sa lamesa. I want to feel the warmth of his hand, lumalamig na rin kasi dahil gabi na.
"You can take off your blindfold now." Utos ko na kaagad naman niyang sinunod. Surprise is evident on his face. Nawala na parang bula ang pagkabusangot ng mukha niya at napalitan ng guilt?
"Surprise! Happy anniversary, love!" Masayang bati ko. Nginitian niya ko saka niyakap ng mahigpit. Niyakap ko siya pabalik at pasimpleng inamoy. Mmm, ang bango talaga ng lalaking to. Naliligo ba to ng perfume?
"Sorry, love. I'm really sorry I forgot. Babawi ako, promise." He murmured habang pinapaulanan ako ng halik sa ulo.
"Ano ka ba, okay lang no. Naiintindihan ko naman. Let's eat? Baka lumamig na yung pagkain." Pag-iiba ko sa usapan. Ramdam ko kasing talagang guilty siya. I don't want to ruin this night because of that, ang importante magkasama kami ngayon, period.
Naupo na kami. Nilagyan ko ng kanin at ulam yung plate niya, siya naman ang nagsalin ng juice sa mga baso namin.
Hindi pa rin siya tumitigil sa kakahingi ng sorry. He keeps assuring me na babawi talaga siya. Natatawa na lang ako. I don't think there's a need for that.
"So this explains kung bakit hindi mo sinasagot yung mga tawag ko kanina." Basag niya sa katahimikan. Tumango ako, I intentionally turned off my phone para walang istorbo today.
"You're spoiling me too much. Dapat ako yung gumagawa nito. Thank you for always making me feel loved." Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa mesa, nginitian ko naman siya. Inabot ko ang bag ko ng may maalala ako.
"Here." Kunot noo niyang tiningnan ang kahong pinatong ko sa mesa. "That's my gift."
Umawang ang labi niya. Hindi niya alam kung anong ire-react. "Kate, this is too much."
"Ano ka ba, maliit na bagay lang yan. Buksan mo na." Sabi ko na parang nae-excite. Kahit sa totoo lang, ramdam ko na ang pagkabog ng dibdib ko dahil sa sobrang kaba.
"A crumpled paper? Seriously? Hindi na pala uso yung card ngayon?" He joked, pero ni pilit na ngiti hindi ko na magawa. Kinakabahan ako. This is it.
Kasabay ng pagkunot ng noo niya ay ang pagkapawi ng ngiti niya. Tiningnan niya ko na para bang hindi siya makapaniwala sa nabasa.
Hindi ko nga alam kung san ako kumuha ng tapang para tanungin siya kung nagustuhan niya ba yung regalo ko.
Pero wala akong nakuhang sagot, nakatulala lang siya sa sulat na nagsasabing..
'Happy anniversary, Love! Let's break up!"