Asan ka na ba? Ang tagal ko na dito nagiintay ng mga bagay na gustong matamo. Hinahanap ng buong puso, isama pa ang pawis sa aking basang bimpo. Naghalungkat sa mga alaala kung nakita na kita. At lumingon sa bawat daan, eskinita gamit ang aking mga mata. Pero bakit ganon, di pa rin kita makita.
Mukhang mahaba haba pa ata ang aking tatahakin upang makita ka. Parang zigzag sa Kennon ang daan, madami liko, ikot at delikadong kurba na possibleng kang malaglag sa bangin ng kawalan na puno ng pusong umaasa, sawi at mga pagibig na nagiintay sa wala upang iligtas sa lalim ng pighati dahil ang iniintay pala ay meron ng kasamang iba. Yung tipong kailangan mong kumapit, tiyatiyagahin, pagpagpapaguran akyatin, magdadahan-dahan, wag mamadalihin.
Minsan nga naglalakad lang ako sa Session, napapaisip na lang ako. At itatanong sa sarili ko, "Kailan kaya darating ang panahon, na makikita na kita?" Nakita na ba kita? Isa ka ba sa mga kaibigan ko na nandyan lagi sa tabi ko kapag ako'y nasa pighati. Na ang luha ko ay pinapaltan ng ngiti. O kaya isa ka sa mga prinsesa na kaakit akit na napukaw ang aking mga mata. Yung tipong hanggang sa pagtulog, iniisip ko kung gaano kaganda ang mukha mo.
Isa ka ba dyan? O baka ang puso't utak mo ay naghahanap ng katulad ko. Pagtatagpuin ng tadhana, ngunit marami pa ang guguguling oras, linggo buwan, taon, upang mangyari iyon.
Kaya nga lagi nananalangin ako sa taas, bakit ganito, bakit ganyan. Kailangan ko bang gumawa ng paraan para mapalapit ka sakin. Kailangan bang sabihin ko na, o kailangan pang magintay. O kaya baka kailangan ko lang magtiwala sa sa kanya, na ang ako, ay hindi mananatiling ako, ang ikaw ay hindi mananatiling ikaw. Dahil ikaw at ako, pagdating ng araw, magiging tayo.
BINABASA MO ANG
Asan ka na ba?
Short StoryFinding her is dificult, but love makes ways to be with her in a certain time. my first piece. Im not that good in writing. hope you like it. ^-^