Queenie's POV
"Baba ano ba!? Matagal ka pa ba diyan!? Kanina pa ako nag aantay dito sa sala niyo jusko mauubos ko na itong mga pagkain niyo!" sigaw ko.Kaya mahal na mahal ko itong bestfriend ko eh, sa dinami dami ba naman ng pagkain nila dito sa sala nila.
"Ano ba Mary!? Huwag ka na kasing magpaganda diyan! Kahit naman anong gawin mo mas maganda pa din ako no!?" marinig niya sana yan.
"Anong mas maganda ka!? Mas maganda ako!" sagot ni Mary.
Narinig niya nga hehe.
"Haha bilisan mo na kasi baba! Baka malate nanaman tayo sa pinaggagawa mo eh" kahit kailan talaga itong bestfriend ko jusko pilipino ka nga bestfriend.
Matapos kong ubusin ang isang box ng cake nila ay dumating na din siya."Salamat naman at dumating ka na! Grabe ka baba, ang tagal mo ng nagpapaganda pero bakit panget ka pa din tapos ang haba pa din ng baba mo" pang aasar ko.
"Ang sama mo sakin bestfriend ah? Pasalamat ka nga nakakakain ka dito eh" sagot niya.
"Hehe sorry na bestfriend alam mo naman na mahal na mahal kita diba!?" sabi ko.
"O ano pang ginagawa mo diyan? Bat di ka pa tumatayo!? Kanina nagmamadali ka tapos ngayon ayaw mo pang tumayo?" sabi niya.
Ay haha oo nga no? Ano pa nga bang ginagawa ko haha.
"Eh? Haha ito na nga tatayo na at maglalakad papuntang parking lot" sagot ko.
I forgot to say, andito pala kami sa condo nila then yung sasakyan ko yung gagamitin namin.
Pagdating namin sa parking lot eh nagtatalo pa kami kung sino ang magda drive."Baba tutal sasakyan ko naman ang gagamitin natin, ikaw na magdrive okay!?" sabi ko.
At buti naman eh napilit ko siya haha nanalo nanaman ako sa kanya. Nang makasakay na kami bigla niya nalang itong hinarurot.
"Uy bestfriend ano ba!? Hindi pa ako nakakapag seat belt!" sigaw ko.
Sino ba namang hindi sisigaw eh halos hindi niya na ako marinig sa sobrang bilis niyang magpatakbo. After 10 mins eh dumating na kami, jusko bestfriend papatayin mo ata ako.
YOU ARE READING
My First and Last
Teen FictionFirst time kong gawin ito haha. So it means this is my first story, and this is based on my experience. Hope you like it guys lablab ^_^