Almost is Never Enough

148 2 0
                                    

Nothing’s more important to a person than perfection. Hiling nga ng karamihan, sana nasa kanila na ang lahat. Fame, Looks, Wealth, lahat na.

Well, too much for that. Ako nga pala si Stella Ar Margaret Delos Reyes, Sam for short. Ewan ko nga kina mom at dad bat di nalang ginawang ‘Sam Delos Reyes’ pangalan ko. Napakahaba isulat, di nga to nagkasya sa DLSU-CAT na form eh. Anyways,  I’m 17 years old nga pala, freshman ng  DLSU, taking up AB Mass Communications (Idol ko kasi ate ko eh). Graduate ng UST sa HS.

Well, Going back to that perfection thing, marami nagsasabi na I almost have it daw. Yes, with a strong emphasis on ALMOST.

FAMILY and WEALTH

Hindi sa pagmamalaki but I grew up in a high-earning family. There are 5 of us sa family and masaya kami. Graduate na si ate BA Mass Communications sa UP Diliman, suma cum laude. Si kuya ay graduating this year sa UST sa kursong BA Fine Arts.

LOOKS

Uhmmm. Ayaw kong ipagmalaki masyado but marami ang nagsasabi na I have the looks daw ^^

Stands  5 foot, 7 inches. Wavy-brown hair and has brown eyes.

INTELLECT

I graduated as a class Valedictorian nung Elementary. Same goes rin when I was in High School. School’s Best Debater for 2 years, Best in Math and Science as well. And, di ko nasabi, I’m also athletic. I play golf and volleyball also.

Gusto ko na talaga sanang maniwala na I was perfect kung di lang sana ulit-ulit na pinapaalala ng bestfriend kong si Aubrey na kailangan rin pala ang lovelife para maging perfect. Hahaha, yeah. I’m sure napansin nyo na sa lahat ng nabanggit ko, wala ang love life. Basically, ganto kasi yan, maniwala man kayo o hindi, NBSB ako. Ewan ko lang bakit, di naman ako maarte when it comes to boys na ang pinag-uusapan, di rin strict parents ko though they want me to focus muna sa studies. Siguro nga dahil parang kusa kong di nabuksan ang puso ko when it comes to this matter na. Takot kasi ako magmahal eh. Ayaw ko kasing masaktan. Marami na kasi akong nakikitang ganyan and since patient naman ako, then, why not wait, diba?

Almost is Never EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon