UNCANDID (One-Shot)

3 0 0
                                    

Title: Candid

Genre: Teen fiction, humor

Kind of story: One-shot story

Setting: Inside the campus, 3 p.m. Friday

//New one-shot na naman. Try to read this one. Na-inspired ako sa research namin (I dunno why hahaha). Intindihin n'yo nalang ang isinulat ko kasi isinulat ko lang to sa phone. Baka may wrong typo o di kaya grammar. Pasensya po talaga huhuhu. Hopia like it. Hehe~~Dai/

~♥~♥~♥~♥~♥~

Next week na ang defend namin sa Research at ito nakatunganga parin ako habang ang kagrupo ko na sina Cayl at Paul ay busy sa pagpo-proofread sa Chapter 2 at 4. Hindi ko naman sila masisisi kasi ako ang ini-assign nila sa pagsusulat ng RRL (Review of Related Literature) at sa Chapter 4. Hindi ako masyado magaling mag-english lalo na kapag sa paggamit ng exact word sa sentence. Sinabihan ko naman silang dalawa na ako nalang ang mag-aasikaso sa Chapter 3 dahil mas prefer ko magcompute sa Mean at sa Central Tendency but they objected my offer. Mas prefer ko raw magsulat sa Chapter 2. Kaya bahala sila magproofread.

"Hooh, I'm done copyread this Chap 4. Medyo nahirapan ako konti but thanks Jess, you listened to my advice of using 'had' and 'have'. You're doing better na ha. Keep it up." Asik ni Cayl sakin habang inu-unat-unat niya ang kanyang kaliwang kamay. Cayl has an ability to use two hands in writing pero mas dominant ang kanyang left hand.

"Naku naman, nambibiro ka na naman but thank you." The way he teaches me, marami na akong natututunang new words at pagcoconstruct ng mga sentences. Thanks again Cayl.

"Oh, by the way I forgot-" tinitingnan-tingnan niya ang papel tsaka may binilog para ipakita sakin. "This one I've circled here and this-" Habang tinuro niya ang mga bilog-bilog na pula ay pasimpleng sinulyapan ko si Paul. Tumutulo na ang pawis niya sa kaka-proofread. Buti nga sayo.

Nakayuko ang ulo ko pero ang mata ko ay nasa direksyon ni Paul. He doesn't even care of me kaya bahala siya mag-proofread. Para siyang nagpasan ng isang sakong bigas nang dahil sa mga butil ng tubig na umaagos hanggang sa may tainga niya. Nahawa na ang kanyang eyeglasses na namumuog at saka sa ilong niya na tumulo na ang pawis. Omooo, antangos ng ilong. Shufo mo kaso ansungit mo. Hmp.

"Ya, you aren't listening to me. 'Wag ka ngang tumingin ni Paul baka malusaw siya diyan sa kinaupuan niya. Baka mabasa pa ang papel na pinoproofread niya." Sinundot ako ni Cayl sa tagiliran kaya bumalik ako sa katinuan. Umangal kapa Cayl seryoso ako dito.

"Hmp, tingnan mo nalang ang papel niya at kahit malusaw pa siya diyan, nauna nang niyang nabasa ang papel sa pawis niya." Napalakas yata ng boses ko kaya napatingin si Paul sakin like 'what-the-hell-you're-looking-at' look. Walang kapinta-pinta ang mukha niya. Tanging mata niyang ineexpress samin na naiinis na siya. Duh, I don't care noh.

Ibinalik ko nalang ang atensyon ko kay Cayl at tsaka nag-iba ng topic. "Uhm Cayl, ano ulit yung sinabi mo kanina na-?"

"Ah, yun, redundant na kasi ang ginamit mong word na 'purpose'. Parang nasa lahat yata ng paragraph may 'purpose'. Kaya I decided na I teach you to put in words na di siya redundant kasi kapag reader ka tas paulit-ulit mong nabasa ang word, diba pangit basahin." Aniya. Tumingin ako saglit kay Paul, still no facial expression but feel ko naiinis na siya sakin. Hehe, may idea na pala ako sayo Paul. Hihihi.

UncandidWhere stories live. Discover now