“Yehey ang saya pasukan na naman, madami na naman akong magiging kaibigan” sarkastikong kinausap ni Scarlet ang sarili. Magtatapos na sa ika-apat na taon sa hayskul si Scarlet Madrigal at ito ang kanyang unang araw sa pasukan. Masaya siya di dahil pasukan na, kundi makakatapos na siya, ibig sabihin mahihiwalay na siya sa mga mapanglait at mapanghusgang tao sa paaralan na iyon. Nasa marangyang pamilya si Scarlet, ngunit di niya ginagamit iyon upang makakuha ng atensyon o kaibigan. Mas minabuti na niyang itago ito sa lahat upang di na siya mapagsamantalahan pa. Kung titignan si Scarlet, siya ay magandang babae kung siya ay pala ayos ng sarili at marunong kumilos ng naaayon sa kanyang edad. Matalinong bata kaya madalas na natutuksong “nerd” sa klase. Di niya pinapaalam sa kanyang mga magulang ang panlalait ng kanyang mga kaklase, sa halip, sinasarili nalang niya ito.
Abala sa pag-aayos ng gamit si Scarlet ng tawagin siya ng kanyang ina, “Anak! Ipapahatid nalang kita sa driver natin para di ka mahuli sa klase ha!” “Wag na Ma! Maglalakad nalang po ako papuntang school para exercise na rin po!” Ayaw sabihin ni Scarlet sa kanyang mga magulang ang mga pinagdadaanan niya ngayon dahil ayaw na niyang dumagdag pa sa mga problema nila. Di na siya nagpapahatid pa sa kanyang driver dahil ayaw niyang malaman ng mga kaklase niya ang katayuan niya sa buhay.
Tatlumpung minuto bago magsimula ang klase, dumating na sa paaralan si Scarlet. “Haaaay, makakaalis din ako dito. Halos apat na taon din akong nagtitiis.” Sabi ni Scarlet sa kanyang sarili. Habang naglalakad sa mga pasilyo ng paaralan, nakita niya ang mga nagkukumpulang mga estudyante sa harap ng bulletin board. Dahil likas sa mga babae ang pagiging chismosa, nakitingin na rin siya. Hindi na bago sa kanyang paningin ang kanyang nakita. Nasa klase na naman siya ng mga matatalino o tinatawag nilang “Pilot Class”. Ngunit napukaw ang kanyang atensyon nang makita niya sa listahan ang isang pangalang kahit kailan ay di pa nasasama sa Pilot Class. “Blake Fortalejo” bulong ni Scalet sa sarili. Iniisip niya kung pano napasok sa ang lalaking iyon sa kanyang klase gayong wala namang ginawa ito kundi ang maglaro ng basketball at asarin lang siya ng walang humpay, laging wala sa klase at kung pumasok man ay palaging late. Naging isang malaking palaisipan ito sakanya. “Oh my God! Nasa Pilot Class si Papa Blake!” sigaw ng isang babae. “Di lang gwapo, matalino pa!” tili din naman ng isa. Napailing na lamang si Scarlet sa kanyang mga naririnig na papuri nila kay Blake at umalis na sa kumpulang iyon. Sa kanyang paglalakad, may nakabangga siya sa daan na dahilan ng kanyang pagkakaupo sa sahig. “Gosh! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Loser!” singhal ng babae sa kanya. “Sorry di ko sinasadya” sabi ni Scarlet. “Di mo sinasadya? Ganyan naman kayong mga panget na kriminal eh! Sinasabing di niyo sinasadya at wala kayong kasalanan! Oops! Di ka nga pala kriminal, panget lang! Hahaha!” sabi ng babae sa kanya at umalis na. Nanatiling nakaupo so Scarlet nang biglang may dumating na lalaki. “Hoy nerd, bakit ka nakaupo diyan? Tumayo ka nga diyan mukha kang naglalampaso ng sahig. Ay wag na pala, bagay naman sayo eh” at tulad ng babaeng nakabangga sa kanya kanina, iniwan nalang siya ulit ng lalaki. Huminga ng malalim si Scalet. “Relax ka lang Scarlet, matatapos din ang mga kalbaryo mo dito.” Habang patayo si Scarlet ay may naririnig siyang mga yabag ng mga paang tumatakbo na papunta sa kanyang direksyon. Nang tiningnan niya kung sino iyon, nakita niya si Blake na tumatakbo papunta sakanya. “Ahhh! Panget! Umalis ka diyan sa dadaanan…” di na niya natuloy ang sasabihin niya dahil bumagsak na silang dalawa ni Scarlet. “Ow, dalawang beses na kong bumabagsak” sabi ni Scarlet. “Bingi ka ba?! Sinabi na ngang umalis ka sa dinadaanan ko! Panget na nga bingi pa!” singhal ni Blake sakanya. “Pasensya na, nagulat kasi ako nung nakita kitang papunta sakin.” Sagot ni Scarlet. “Whatever panget, lumayas ka na nga sa harap ko, malelate na ko, chupi!” ani ni Blake. “Sabay na tayo pu---.” Di natapos ni Scarlet ang kanyang sasabihin nang biglang sumabat si Blake. “Ano?!? Hoy alam kong gwapo ako, pero ayokong maglakad kasama ang panget na tulad mo! Baka isipin ng mga fans ko, bumaba na ang taste ko!” “Di naman ganun ang ibig kong sabihin, sabay na tayong pumasok kasi magkaklase naman tayo.” Pagpapaliwanag ni Scarlet. “Ahhhh.. A-ano?!? Kaklase kitang panget ka?! Kung mamalasin nga naman oh!” sigaw ni Blake. Napatakip naman ng tenga si Scarlet sa ginawang pagsigaw ng binata. “Wag ka ngang sumigaw jan, at may pangalan ako noh, ako nga pala si---.” Di na naman natuloy ni Scarlet ang kanyang sasabihin ng sumabat na naman si Blake. “Scarlet Madrigal. Kilala kita.” Nanlaki naman ang mga mata ni Scarlet sa narinig. “K-kilala mo ko? Panung--.” “Paano kita nakilala? Simple, isa kang panget na nerd na nagpapadumi sa imahe ng school na to.” Sabat na naman ni Blake. Yumuko na lamang si Scarlet upang di makita ni Blake ang mga namumuong tubig sa mata nito. Sobra sobrang panlalait na ang kanyang natanggap sa unang araw pa lamang ng klase. “S-sige mauna k-ka na. M-mag ccr lang ako” sabi ni Scarlet habang nakayuko. “Talagang mauuna na ko! Ayokong makasabay sa paglalakad ang isang panget na nerd na tulad mo!” sigaw ni Blake sabay alis sa harap ni Scarlet. Sabay ng pagtalikod ni Blake ay ang pagpatak ng luha ni Scarlet na agad din niyang pinunasan. “Maging matatag ka Scarlet, unang araw palang oh? Paano pa kaya sa mga susunod na araw? Ilang buwan nalang makakaalis ka na dito.” Sabi ni Scarlet sa sarili habang humihinga ng malalim.