Chapter One

744 34 10
                                    


February 4, 2014

Lisa POV

Minsan iniisip ko kung bakit iniwan ako ng ex-boyfriend ko. Hindi kaya totoong bading siya? Hilig kasi non sa pink na kulay, eh. Dinaig pa ako. Pero that doesn't mean he is gay.

I sighed.

Bakit niya kasi ako iniwan?! Hindi man lang nagbigay sa akin ng rason. Basta na lang nakipag break. Hay. Isang linggo na ang nakaraan pero di ko parin siya nakikita sa campus.

Napapikit na lang ako at humiga sa aking kama.

3 fucking years, nasayang lang. The memories, the songs that I made for him. Tangina niya. I don't deserve this kind of treatment. Tsk.

Tumulo nananamn ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. I tried my best to hide everything, but I failed.

"Umiiyak ka nanaman." tinignan ko siya. "It's been a week Jen, wala pa rin akong nababalitaan sakanya." Humiga siya sa tabi ko at niyakap ako. "Malay mo nag bakasyon. fourth year college naman na din siya." I frowned. "May pasok kaya sila! Nakita ko kahapon si Namjoon, lalapitan ko sana pero biglang umalis nung nakita ako." tumawa siya. "Malamang hindi ka non kakausapin, ex mo kaya kaibigan niya." tinignan ko siya ng masama. "Wag mo din kakausapin si Jimin ah! Kingina ka." inis kong sabi at tumayo na para maligo.

"Hoy Lalisa! Wag mo kami idamay ni Jimin!" hindi ko na lang siya pinansin at pumasok na sa C.R.

~*~

Hindi ko nagugustuhan ang inaaral namin ngayon. Hindi porket buwan ng pag-ibig ngayon eh pag papanoorin na kami ng Love Story. Hilig talaga ng Prof namin sa pag-ibig! In love ata.

Hindi ko na binigyan ng pansin ang pelikula dahil napanood ko nayan ng ilang beses because of Jennie. Hilig din sa love story. Even though nagka boyfriend ako, never pa rin ako na hilig sa love story. Horror pwede pa.

"I love you."
"I told you not to fall in love with me."

Napapikit ako dahil sa naalala ko.

"Oh! Ayan na ha! Nilibre na kita." inis kong sabi sakanya.

"Thanks Lisa!" tuwang tuwa siya sa kinakain niya habang ako dito naiinis. Sinong hindi maiinis? Ginising ba naman ako sa bahay ng 9 pm?! para lang kumain dito sa 7/11?!! Hay jusko! At walanghiya, nagpalibre pa! kapal ng mukha!

Tinignan niya ako at nagpacute. "Ulol." at inirapan siya. "Kahit kelan talaga ang sungit mo!" natatawa niyang sabi at pinisil ang pisngi ko.

"A-aray! ano ba! Kumain ka na nga lang jan!" naiirita na ako dito ah. "Wala ka bang pasok?" tanong ko. Friday night kasi ngayon. Ako 4th year high school pa lang, eh siya? 2nd year college na. "Kakatapos lang ng klase ko kanina, tapos dumerecho ako dito." tinaasan ko siya ng kilay. "Ang layo kaya ng bahay namin sa school niyo at sa condo mo! Ano bang problema mo ha?" nginitian niya lang ako. "I just wanted to see you. Medyo busy na kasi ako bukas at sa susunod na two weeks. You'll miss me for sure."

"Asa." sabi ko. Pero deep inside, mamimiss ko nga siya. Wala ng mangungulit sa akin.

"Tara na, hatid na kita sainyo." sabi niya.

PAPER | taeliceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon