March 12, 2014
LISA POV
"Lisa!" tinignan ko lang si Jennie habang kumakain ng popcorn. "Lisa, nakita ko si Jin kanina." wait what?!
"H-ha? Saan?!" napatayo ako ng di oras at dali daling nagsuot ng sapatos. "Yung bagong café malapit sa school. Dalian mo!" kinuha ko ang cellphone at wallet ko, hindi na ako nakapag paalam kay Jennie dahil sa kakamadali.
5 weeks na ang nakaraan at hindi parin ako nakakamove on sakanya. Mahal na mahal ko pa rin siya. Tanga nga talaga ako. Iniwan na nga ako pero mahal ko pa rin.
Pagkadating ko sa café, nakita ko agad si Jin papalabas kasama si Jungkook. "J-jin.." tumingin siya sa akin, walang emosyon ang kanyang mukha. Noong tinatawag ko siya, ngiti agad ang binibigay niya sa akin. Ngayon? Blankong mukha na.
"Jin, can we talk? Please?" tinignan niya si Jungkook at tinanguan ito. Umalis si Jungkook at hinatak ako ni Jin papalayo sa maraming tao.
"What do you want?" nabigla ako sa tanong niya. Anong nangyari sa Jin na mahal ko? Bakit ang cold niya?
"Jin, please explain it to me. Explain why did you broke up with me? Ang hirap matulog, ang hirap kumain, ang hirap mag focus dahil ang lagi kong iniisip na bakit ka nakipag-break sa akin ng walang rason?" Natawa siya sa sinabi ko. Anong nakakatawa doon? Hindi niya ba alam na nasasaktan ako sa mga pinag gagawa niya?
"Hindi na kita mahal." mariin niyang sabi at iniwan ako doon na nakatayo, nagulat at nasaktan sa kaniyang sinabi.
Hindi na mahal? Hindi niya na ako mahal?! Ganon kadali lang sakanya yon? Samantalang ang sweet sweet pa namin before siya makipag break tapos..
"Jin!" hinabol ko siya. I don't deserve this. "JIN!" huminto siya sa paglalakad. "So ganon ganon na lang yon? Three fucking years, and then hindi mo na ako mahal?!" humarap siya sa akin. Halata na sa mukha niyang inis na siya.
"Lisa– I– ang boring mo kasi!" mas lalo lang ako nagulat sa sinabi niya. "Lalaki din ako! I have needs. Pero ayaw mo–" lumapit ako sakanya at pinagtutulak tulak ko siya.
BINABASA MO ANG
PAPER | taelice
De TodoNagsimula ang lahat dahil lang sa Papel. "may forever ba?" - m.l Lisa Manobal || Kim Taehyung - PLAGIARISM is a CRIME © 2017