Still loving you

60 3 0
                                    

Una kitang nakita umiiyak ka at mag-isa.

Naalala ko pa non nilapitan kita at inabutan ng panyo,naawa ako sayo kasi ang isang magandang katulad mo ay umiiyak.

Nakakatuwa kasi kahit umiiyak ka napansin mo pa din ako at nagpasalamat ka pa sa panyong binigay ko,may kasama pang ngiti na mas lalong nagpaganda sayo,at nagpatibok ng mabilis sa puso ko.

Tapos tinanong mo ako kung anong pangalan ko sinagot naman kita na Marco,nagpakilala ka din sabi mo Angelina,napangiti ako bigla kasi bagay na bagay sayo ang pangalan mo kasi mukha kang anghel.
Tinanong kita kung bakit ka umiiyak tapos nagulat ako kasi kinwento mo sakin lahat ng sama ng loob mo kahit kakakilala palang natin.
Sabi mo naghiwalay kayo ng boyfriend mo at ang sakit sakit kasi pinagpalit ka pa sa kapatid mo.
Napaiyak ka pa ulit tapos pinasalamatan mo ako kasi may nalabasan ka ng sama ng loob.
Alam mo Angelina ang gaan na agad ng loob ko sayo nung araw na yon.
Pakiramdam ko matagal na kitang kilala.

Pagkatapos nating mag-usap nagpaalam ka na na uuwi ka na.Akala ko yun na yung huli nating pagkikita pero nagkamali ako,magkikita pa pala tayo ng hindi ko inaasahan.
First day of school,third year college ako nakita kita sa school,tapos nakita mo ako sabi mo "ikaw si Marco diba?" tapos sabi ko ako nga.
Ang saya ko kasi parehas tayo ng school.Sabay tayo kumain nung break time na.Nagkwentuhan tayo at doon ko nalaman na 3 years na pala kayo nung ex mo na gago na pinagpalit ka sa kapatid mo.
Pinagpalit ka ang ganda ganda mo.
Sinabi mo pa sakin na kahit hiwalay na kayo mahal na mahal mo pa rin siya,nakaramdam ako non ng sakit pero hinayaan ko nalang.

Lumipas ang mga araw naging mas close tayo.Nakapunta na ako sa bahay niyo,pinagluto pa ako ng mama mo.Pinakilala mo pa ako bilang kaibigan mo.
Nung pumunta ka naman sa bahay namin pinakilala kita sa mama at papa ko.Naalala ko non tinanong sakin ni mama kung girlfriend ba kita sabi ko kay mama na hindi kita girlfriend sinabi ko na magkaibigan lang tayo.Pero ang nasa isip ko non na sana girlfriend nga kita,at pag nangyari yon ipagmamalaki kita sa buong mundo at hindi kita sasaktan.
Isang araw kinuwento mo sakin na nakamove on ka na.Ang saya ko kasi pwedeng sakin ka naman bumaling,pwede ko ng sabihin ang feelings ko para sayo,pero bigla akong nasaktan nung sinabi mong may nanliligaw sayo at gusto mo din siya,sabi mo bibigyan mo siya ng chance.Ang sakit sakit non hindi ko lang pinahalata sayo,pero ako si tanga minamahal parin kita.Ang tanga tanga ko hindi ko pa kasi inaamin sayo,natotorpe kasi ako.

Akala ko wala ng mas sasakit sa araw na yon pero nagkamali na naman ako,ilang buwan ang lumipas,lumapit ka sa akin ang saya saya mo,doon ko lang nakita ang ganoong ngiti mo.Sinabi mo sakin na kayo na nung nanliligaw sayo.Grabe yung sakit,parang gusto kong sumabog at sabihin sayo na "ako nalang,mahal na mahal kita".
Kaso wala eh ang hirap.Kahit kayo na I still love you.

Tinry ko na magdate ng ibang babae pero ikaw parin nasa isip ko,kahit na alam kong masaya ka na sa kasama mo.
Ang lagi mong kwento sakin tungkol sa inyo,laging ang saya saya mo pag siya pinag-uusapan natin.Lagi kong nakikita yung ngiting gusto kong makita sayo.Naisip ko na sana ako nalang yung dahilan nung mga ngiti mo.Na sana ako ang nakakapagpasaya sayo araw-araw,pero hindi,at mukang malabo ng mangyari yon.Masaya ka na kasama yung boyfriend mo and it hurts so much.Yung tipong gusto ko na sumuko kasi ang sakit na,pero yung puso ko pasaway ikaw parin ang sinisigaw.

Nagulat ako isang araw pumunta ka sa bahay namin,umiiyak,sobrang sakit makita na umiiyak ka.Sabi mo niloko ka na naman.Grabe hindi pa kayo umaabot ng taon.Umiyak ka lang habang yakap kita ng mahigpit,Hindi ko masabi sayo na mahal kita at ako nalang ang mahalin mo nandito ako lagi para sayo at hinding hindi kita iiwan,pero ako pinairal na naman katangahan hindi pa rin sinabi.

Kinabukasan parang wala lang nangyari,parang nakamove on ka agad.
Nakakapagtaka pero hinayaan ko nalang.
Ayokong magtanong kasi baka umiyak ka nanaman,baka tinatago mo lang na nasasaktan ka.Sinabi mo sakin na nakamove on ka na nga.Na mas may deserving pa para sayo,"at sana ako yon".Ako nalang sana,ayos lang sakin kahit ako ang pangatlo.Kahit ako ang maging pangatlo wala paring magbabago I will always love you.

Still loving you (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon