Time finished: 3:49pm.
Dahil February 1 ngayon, nagsulat ako ng short story HAHAHAHA! Wala e, feel ko ang February 1 kaso ngayon ko lang naipost. Sarre. Inspired ako e hahahaha. Inspired sa pagkain <3 VOTE. LEAVE A COMMENT. BE MY FRIEND! HAHAHAHA. Aytss. Hey hey! Alam kong medyo ano yung title pero hindi naman kayo magsisisi kapag binasa nyo to e! :*
Bagay daw tayo sabi nila. Perfect couple raw tayo kasi kumportable tayo sa isa't isa yung tipong hindi nagkakahiyaan, yung nagpapakatotoo sa isa't isa. Inaasar tayo palagi pero tinatawanan lang natin sila. Best friend lang kasi tayo sabi mo pa nga, "Hayaan mo sila. Ang kukulit ilang beses ng sinabi na mag-best friend tayo e."
Mga tao nga naman ngayon. Magtatanong tapos hindi maniniwala. Pero kung isa ako sa mga taong yun ganun din ang iisipin ko, sumang-ayon ka pa nga e.
Hatid sundo mo kasi ako kapag tugma ang schedule natin. Lagi nila tayong nakikita na magkasama. Minsan pa na magkahawak kamay tayo. Lagi tayong magkatext at magkatawagan. Lagi kang may dalang pasalubong sakin. Lagi kang nasa bahay namin. Lagi mong inaalam ang mga nangyayari sakin. May tawagan pa tayo.
Daig pa nga raw natin magshota e, sila Mama nga inaasar tayo, yung ibang tao pa kaya?
Natatawa na lang talaga ako kapag naalala ko yun. Nakakamiss ang mga moments na yun. Miss na kita, best friend.
Naalala ko pa nung una tayong nagkausap. Yung panahon na hindi na kita crush. Akalain mong naging crush kita dati? Pero nagkausap tayo nung di na kita crush.
****
"Macey! Bumaba ka na dyan at andito na ang mga bisita!" Mama at kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Si Mama naman oh, bababa rin naman ako e.
"Opo Ma! Magsusuklay na lang!" sigaw ko habang nakaharap sa salamin at nagsusuklay.
"O sige. Bilisan mo lang a!" Narinig ko ang mga yapak ng paa ni Mama. Bumaba na siguro.
11:57am na. Tanghali na, anong oras na kasi akong nagising e. -____- kaya pinagmamadali na ko ni Mama. May handaan kasi dito sa bahay fiesta kasi sa lugar namin. Late na rin kasi akong natulog dahil ako ang nakaassign sa paggawa ng ilang desserts kagabi.
Pagkatapos kong magsuklay, nilagay ko sa bulsa ng shorts ko yung cellphone. Naka-yellow shorts ako na presentable naman at hindi nakakaanong tingnan at naka-longsleeve na top. Nagsuot lang ako ng tsinelas at lumabas na ng kwarto.
Sumilip muna ko sa baba bago bumaba ng hagdanan. May mga bisita sa loob at kausap ni Mama, tanaw ko rin ang mga bisita sa labas ng bahay.
Dahil mukhang busy si Mama sa kausap nya, dumiretso ko sa kusina. Muntik na kong matumba kung sino ang nakita ko.
O______O
Noong napansin nya ang presensya ko, nilingon nya ko at nakita kong nagulat din sya.
Si Javon! A-Anong g-ginagawa nya dito? Sya si Javon, Javon Clark Vanre. Yung dati kong crush noong grade 6 ako. First year ako ngayon, at fourth year na sya.
"Oh anak nandito ka lang pala." napalingon ako sa nagsalita. At nakita ko si Mama kasama yung kausap nya kanina. Sinenyasan ako ni Mama na magmano ako, kaya nagmano naman ako.
"Ang laki-laki na ni Macey, mare." errr. Kilala ako? Mukha namang nahulaan ni Mama kung ano ang nasa isip ko at sinabi na si Tita Malou yun. At dun ko lang naalala, at ngayon ko lang din nalaman na anak ni Tita Malou si Javon. Family friend, kaibigan ni Tita Malou si Javon.
BINABASA MO ANG
Best friend, tanda mo pa? (Short Story)
Teen FictionBest friend, tanda mo pa? Tanda mo pa ba yung mga oras na magkasama tayo? Tanda mo pa ba na nangako ako sayo na ikaw lang? Tanda mo pa ba yung masasayang araw na magkasama tayo? O baka naman kinalimutan mo na? Ako kasi tandang tanda ko pa. Miss na k...