Prolounge

40 0 0
                                    

3 years ago...

13 edad palang ako ng maulila ako sa magulang.

"Nagulat nalang ako isang araw, pagising ko, wala na ang aking pinakamamahal na ina...

Pagbabayaran talaga ng doktor na yun ang nangyari sa aking ina!"

Ako nga pala si Michelle. Napakahirap mabuhay mag-isa. Si mama nalang kasi ang buhay ko. Siya ang kasama ko, nagpalaki at nag-aruga sakin...simula nung mamatay sa aksidente ang aking papa, si mama ang nagtrabaho, gumawa ng paraan para makakain at makapag-aral ako. Di ko malaman ang dahilan ba't nawala ng ganun lang buhay ng aking ina... Ilang beses na kaming nagpatingin nun sa doktor, dahil nga madaling mapagod at madalas manghina si mama, pero sabi naman ng doktor ay healthy siya...at wala kaming dapat alalahanin. Pero nung tumindi na ang mga sitwasyon, di na talaga ako naniwalang walang sakit si mama. Nang mamatay si mama, ginusto ko naring tapusin ang buhay ko...

Isang araw, nagising ako ng nasa hospital ako. Pagkamulat ng aking mga mata'y, ang mukha ng aking matalik na kaibigan ang nakita ko... Si Marie...

"Ano bang...ginawa mo!? Pinag-alala mo ko...Michelle!" utal-utal ang pagsasalita nya.

Niyakap nya ako habang ako'y nakahiga... Tumulo ang luha ko.. Nakalimutan kong may nagmamahal pa pala sakin.

"Limang araw kanang tulog... akala ko hindi kana magigising!! Salamat at maraming nag-donate ng dugo para sayo..Bakit di mo sinabi sa akin ang mga nangyari.. anong silbi ko..bilang kaibigan...kung hindi kita matutulungan..!?" tumulo rin ang luha ni Marie.

Ilang araw pa'y nakalabas na ko ng ospital. Bilang isang teenager na katulad ko di ko pa kayang i-handle ang emosyon ko. Kaya sa pagiging desperado ko'y nagawa kong maglaslas, dahil yun ang madaling paraan. Ang peklat ng laslas na yun sa aking kanang braso, ang patuloy na nagpapa-alala sakin sa masakit kong nakaraan...

Nanirahan ako sa bahay nila Marie.. Napaka-swerte ko na may kaibigan akong tulad niya. Napakabait ng kanyang pamilya sakin. At tinuring narin akong parang miyembro ng kanilang pamilya...Tumira ako sa kanila hanggang matapos ko ang hayskul.

Nagsarili ako ng buhay nung 16 edad na ko. At Nagpapart-time job ako para maipang-tustos sa aking tuition ko sa kolehiyo. Di biro ang magtrabaho habang nag-aaral... Napakahirap, pero kinaya ko ito. Nagtrabaho ako sa isang fast food chain dito sa Paris, France.

"Michelle...!" Habang nag liligpit ako ng mga kasangkapan ay napalingon ako sa tumatawag sakin. Alam kong si Marie yun.

"Bakit ba parang nagmamadali kang pumunta dito sa shop? Ano bang nangyari?" Hindi ko mapigilan ang kabahan dahil sa itsura ng kaibigan ko na namumutla..

"Phew... eh kasi may nabalitaan ako, nakita ko sa TV! Si James Fernando Sr. daw eh nasa ospital ngayon, kritikal ang lagay nya.. Naaksidente siya.. Car accident daw.. sigh..."

"Ano naman? Walang akong paki-elam sa kanya.. buti nga yun! Mamamatay na siya!" Medyo masama ako sa nasabi ko pero deserving naman siya. Sana di na sya maka-survive.

Sumunod si Marie sakin papuntang kusina para hugasan ko ang mga kasangkapan, pasara na kasi yung store at nagpapahinga na yung boss namin. Mga 9:45 pm na nun...

"Huy, wag ka ngang ganyan! Kahit sya ang dahilan ng pagkamatay ng nanay mo, alam mong mabuti rin siyang tao.. Marami rin syang natulungan at nai-save na buhay, maaring napaka-bihira lang talaga nung sakit ng mama mo kaya..."

"Masakit sakin yun Marie..." napatigil ako sa paghuhugas ng plato at pumatak ng bigla ang luha ko... "Lumipas man ang ilang taon, fresh parin sa aking isipan ang pagkawala ni mama.."

Lumapit si Marie sakin at hinihimas nya ang aking likod... "Sorry Michelle, alam ko naman yun, pero kailangan mo ng mag move on, at...wag nalang tayong manisi ng tao, dahil kahit anong mangyari alam mo na di na mababago ang nakaraan, masakit man ang katotohanan, pero nag aaksaya lang kasi tayo ng oras kung di natin tatanggapin at papatawarin yung mga nagkasala sa atin...Mahirap mabuhay ng mag galit sa puso Michelle.. Matalino ka Mich, isipin mo yung ginagawa mo at wag kang magpadala sa emosyon mo."

Nung mga oras na yun, naintindihan ko ang mga sinasabi ng matalik kong kaibigan. At sa isipan ko, pinatawad ko na ang doktor na yun.

"May isa pang sasabihin sayo, merong anak si Dr. James at napakamatipuno nya, ang gandang lalaki..."

Natigil mundo ko bigla at nagbago ang desisyon kong patawarin si Dr. James... na sumira sa masaya kong buhay...May isa pa akong misyon at kailangan kong mahanap at makilala ang anak ng Doktor na to...

Akala ko na ganun lang kadali ang magpatawad... akala ko... OO, akala ko.

Nung mga oras na yun din ay nagbago ang buhay ko. Sobrang nagbago na halos di ko na kilala ang sarili ko....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kiss of Revenge: My Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon