Connected Hearts
Valentine's Day Special One-Shot
Written by: Hannychu
All Rights Reserved 2014™
**
"Kyaaaah! Malapit na ang Valentine's Day! Konting tiis na lang! I'm so excited naaa!" rinig kong tili ni Kristina na nasa tabi ko lang kaya agad ko siyang binatukan! Aba! Ang landi landi ng babaeng ito! Um-aray naman siya at akma niya akong batukan pero nakailag ako at sumimangot nalang siya kasi binantaan ko siya. Napatawa na tuloy ako. Ang cute nito. Joke. HAHAH
Kinulbit ko siya,nilingon naman niya ako tsaka ko tinuro si Paul Santos na kakapasok lang sa room niya at bago pa lang ito pumasok kinausap niya yung mga kaklase ko na papasok pa lang. Nagsisiyahan sila dun pero wala ako. Ang sakit lang! Bitter mode ako sa Valentine's, landi landi nitong Paul na ito! Huhuhu
"Awww! Wala ka nang chance talaga sa kanya!" pangaasar sa akin ni Kristina at agad ko siyang pinandilitan, nag peace sign naman siya. Inirapan ko nalang.
"Ba't ka ba excited sa Valentine's ha?!" pasigaw kong tanong sa kanya. Tinawanan lang naman niya ako at binelatan.
"Sus! Sabihin mo nalang na bitter ka :p! Kasi walang nagbibigay sayo ng mga ano tuwing Valentine's!" inaasar na naman niya ako! Huhuhu! Oo totoo kasi wala akong natatanggap simula pa nung first year pa ako. Sabi nga nila, marami daw ang gusto mag alay sa akin pero hindi nalang nila pinatuloy. Okay lang naman kasi hindi naman sila si Paul! Bitter ako!
"Hmp! Makakatanggap rin ako ngayong Valentine's! Isaksak mo yan sa mata mo! Tapos gwapo pa at sikaaat! Unlike sayo, puro HAHAHA" bawi kong asar ko sa kanya. Binigyan niya ako ng death glare, kaya nag peace sign ako sa kanya! Totoo naman kasi! Madami yang natatanggap, mas maganda naman ako sa kanya. Chos!
Ang hinihintay ko lang talaga si Paul! Pero balita ko daw na may bibigyan siya ngayong Valentine's. First time daw niya, kaya sabik na sabik ako. Akala mo na ikaw ang bibigyan Trishia? ASA! Oo umaasa ako! Huhu.
Nabigla nalang ako nung may humawak sa magkabilang balikat ko at nakita ko si Kristina na seryosong nakatingin sa akin, "EXCITED NA TALAGA AKOOOOO!" bigla niyang tili. Baliw talaga 'tong si Kristina. Umiling nalang ako at tinignan na lang siya na tumili.
"Ba't ka ba excited ha?" pa cool kong tanong sa kanya. Tumigil siya sa pagtili tapos ngumiting aso siya sa akin tsaka pinatuloy ang pagtili. Baliw talaga ito. At nakita kong nasa pintuan si Paul at may tinawag dito sa direksyon ko at ang tinawag niya ay si Kristina..what?!
Nagusap sila dun sa labas ng classroom. Nagtatawanan pa at parang may pinaguusapan sila doon. O sige! Kayo na ang sweet! Tumango si Kristina tapos umalis na si Paul. Bakit walang binanggit si Kristina sa akin na close sila tapos bakit ang saya saya nitong bruhang ito? Mausisa nga!
Bumalik na siya sa kinauupan niya na may malapad na ngiti. Tinignan ko siya na nakataas ang kilay ko at binigyan ko siya ng 'WHAT-IS-THE-MEANING-OF-THAT?!' look. Na gets naman niya tapos sinenyasan niya ako ng secret lang daw kaya inirapan ko nalang siya tapos isinubsob ang ulo ko sa desk, tutal free day kami ngayon. Aish. Badtrip ako.
**
Naunang umalis si Kristina sa akin, kasabay niya yung mga kaklase ko. Ako lang mag-isa dito. Wala akong kasabay papuntang locker. Wala akong kadaldalan pauwi. In short WALA NA AKONG KAIBIGAN. May importante daw silang gagawin! O sige! Sila na!
Papunta na akong locker ngayon, pero may napansin akong mga taong nagkumpulan sa kabilang banda. Nakita ko ang mga kaklase ko at yung section ni Paul rin. Parang may pinaguusapan sila, ba't ako lang ang wala dun? Nakita ko rin si Kristina. Ano ba ang nangyayari?
BINABASA MO ANG
Connected Hearts (Valentines Day Special One-Shot)
Teen FictionIn where will I go to reach love? Valentines Day Special One-Shot Written by: Hannychu All Rights Reserved 2014