May isa pa nga akong hininging sign noon, eh.
Palagi kasi kaming nagpa-praktis noon sa roof deck kapag Sabado para dun sa dance competition namin, eh madalas ko din syang nakikita doon na nagpa-praktis kasama yung dance org nya.
Kaya ang hiningi kong sign kay Lord, eh kapag nakita ko syang nagpa-praktis sa roof deck, ibig sabihin para kami sa isa't isa, kapag hindi, eh di, hindi. (Madali akong kausap! Wahahaha.)
Isang linggo kong pinagdasal ang sign na yun.
At nang dumating ang Sabado, lungkutan ever ako nang walang Charles na nagpa-praktis sa roof deck.
Hapon na pero wala pa din sya. Dati kasi umaga pa lang tuma-tumbling na sya dun.
Wala na, negative na ang sign ko.
“Claire, asawa mo!” Sigaw ni Ysa, kaibigan ko.
Bigla akong napangiti nang narinig ko yun. Dumating si Charles, umattend sya sa praktis nila. Positive ulit yung sign!
Ilang araw kong pinasaya ang sarili ko sa pagtingin sa kanya sa malayo, sa pagtanggap ng bawat ngiti nya at sa pagtago ng nararamdaman ko para sa kanya.
Hanggang sa....
YOU ARE READING
Claire's Love Letter (Based on a True Story)
Non-Fictionminsan ba na-fall ka na sa isang tao na kahit pangalan mo hindi alam?ung kilala ka lang sa mukha? itong story na ito ay based sa aking tunay na na-experience bilang first timer sa mundo ng love.sana mabasa mo, baka kasi pareho tayo ng na-experience...