Chapter 4

9 2 0
                                    

Juliana's POV

"Psst Juliana!" Rinig kong tawag ni Sofia. Kaya naman nilingon ko sya.

"Bakit?" tanong ko.

"Sabay na tayo mag lunch" nakangiti nyang sabi.

"Sure" sagot ko.

"Really? Okay Lets go!" sabi niya at sumabay naman ako sa kanya sa paglalakad.

Habang naglalakad kami papunta sa Canteen ay bigla nalang nag salita si Sofia.

"Uhm Juliana..."

"Mmm?" Sagot ko.

"Alam mo ba? The first time i saw you ay talagang napukaw mo na ang interes ko dahil sa lakas ng dating mo... Kasi ano... Sa totoo lang gusto ko ng ganung kaibigan na katulad mo.. Kaya would you mind if i ask you to be friends with me?" Sambit niya.

Tiningnan ko muna sya tapos nag isip...

Hmmm... Mukha namang mabait to.. Pero sa tingin ko mukha ring madaldal to eh pero ok na atleast masaya syang kasama.....

p^_^p

"Friends" sagot ko. Nakita ko namang parang kuminang ang mga mata niya.

p-.-p

"Ooooohhhh myy.... YESSS!!!" Malakas na sigaw niya habang nagtatatalon pa. Nakatingin lang ako sa kanya habang blanko ang muka.

Nung nakita niyang nakatingin ako sa kanya ay natigilan siya sa pagtatalon at napapahiyang bumalik sa tabi ko.

"Uh, sorry kasi gustong gusto kasi talaga kitang maging bestfriend kasi parang aang astig astig mo! Tapos kahit walang reaksyon ang muka mo eh malakas parin dating mo! Interesting! Woah!" Excited na sabi niya.

p-.-p

Sabi na eh.... Tsk.....tsk....tsk!

Nginitian ko nalang siya at nginitian din naman niya ako, saka kami nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa Canteen nitong school na to.

Pagkapasok namin sa Canteen ay may naabutan kaming nag aaway malapit sa entrance ng Canteen,

na isang babaeng nerd at isang babaeng muka ng payaso dahil sa kapal ng kolorete sa mukha.

Hawak hawak nung babaeng mukang payaso yung babaeng nerd sa kwelyo at parang sinisigawan.

"Tss.. Ayan na naman sya.." parang naiinis na sabi ni Sofia habang masama ang tingin sa babaeng mukang payaso.

Di ko sya pinansin at naglakad nalang ako papalapit dun sa babaeng nerd at babaeng payaso.

"Alam mo ba kung gaanong pagtitiis ko na makita yang pagmumuka mo tuwing kakain kami dito?! Ha?! Tapos tatapunan mo pa ako ng pagkain mong cheap?! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaan mo ha?! Alam mo ng padaan na ako binunggo mo pa talaga ako!" sigaw nung babaeng mukang PAYASO habang hawak ang kwelyo nung babaeng nerd na halatang natatakot na habang hawak ang tray niya.

"S-Sorry... H-Hindi ko n-naman n-nakita na dadaan k-ka.." parang maiiyak nang sabi nung babaeng nerd.

"Ha!!! Hindi mo nakita?! Hindi mo nakita?!!!!!!!! What the hell! Sa kapal at laki ng salamin mong yan hindi mo pa nakita?! Baka naman kulang pa yang ganyang kalaki na salamin sayo?! What the f*ck! Ang kapal ng muka mo!" Gitil na gitil na sabi ni babaeng mukang payaso at astang sasampalin na si nerd ng lumapit ako sa kanya at hawakan ang braso niya para pigilan sya.

pO_Op <- - - - Babaeng PAYASO.

p-.-p

"Tama na.." Malumanay munit blanko ang mukang sabi ko.

Don't Say GoodbyeWhere stories live. Discover now