Patricia
Why? Simula pa lang tanong na agad diba? Ano ito? Para ba itong katulad ng kay Enrique at Liza? HAHAHA.
Kapalit palit ba ako? Iyon ba ang gusto niyong itanong ko? Kaso hindi naman ito para ex ko e para ito sa itong hindi mo malaman kung manhid ba o shunga lang?
Ilang beses ko pa bang ipapahalata sayo? Shunga ka ba o baka naman ramdam na ramdam mo na, ayaw mo lang malaman na alam ko na diba?
Bakit? Bakit naman kasi niele? Bakit hindi ako? Bakit hindi mo kaya? Bakit?
Sa totoo lang, iyan iyong mga bagay na gusto kong sabihin sayo ngayon pero paano? Paano kung para kang laging palayo?
Kaya balik tayo sa realidad
Siguro kung mayroon man kilalang babae sa aming seksyon siguro ako na iyon? Hindi naman ako nagmamayabang e totoo naman kasi.
Maaring dahil sa pagiging kilala ko sa seksyon namin ay madaming nagkakagusto at gustong manligaw, ngunit uuwing sawi.
Maaring may mga nagwagwapuhang lalake ang nanghihingi ng aking number pero umuuwing nganga.
Maaring may mga babaeng naiirita sakin sapagkat akoy kilala.
Kilala ako, hindi dahil sa akoy may magandang katawan. Ang aking kagandahan ay katamtaman lamang, pero luka luka ako e pwede na?
Sa isang iglap, maaring makuha ko ang bagay inaasam asam ko pero hindi lahat makukuha ko . Hindi ko siya makuha.
I mean, sa lahat ng tao na aayawan ako, bakit siya pa? Hindi siya kagwapuhan, mas matalino ako sa kanya, kaya bakit siya? Hindi ko din alam e.
YOU ARE READING
For the guy who never noticed
Teen FictionSiguro nga kasi tama talaga sila, hindi lahat ng tao makukuha mo sa.pagiging kilala.