Chapter 1

0 0 0
                                    

"Oh bili na kayo ng tilapia!! Isang kilo, 80 pesos! Oh bili bili na!"

" Sayang na sayang talagaaaaaaa!!! Pag mamahal na di ko makakamtan~~"

"Hoy Adolfo!!!! Bumalik ka dito!! Walang hiya ka!!! Pag katapos mong gawin yun sa amin!! Hayop ka!! Bumalik ka dito!!"

"Kahit kailan di na ako babalik sa  pamamahay na yan!! Muka kang unggoy!! Pwe!"

"Hayop ka!!! Bumalikka dito!"

"Tol nabalitaan mo na ba yung patayan sa dulo kagabi? Lintik! Swabe daw!"

"Oh, ipuslit mo yan sa loob ng kulungan, kailangang walang makaalam na tayo ang pasimuno ng bentahan na pinagbabawal na gamoy dito sa bayan natin. Ayusin mo."

Nakakasawang pakinggan ang mga usapan na paulit ulit nalang nangyayari sa baranggay namin. Ganito ba talaga ang buhay? Paulit ulit lang din?

"Ate Kyla! Andito na po ako, wala po bang sulat ngayon?" Tanong ko sa kinakasama ko na nangungupahan dito sa apartment.

"Wait lang! Kukunin ko lang" sabi ni ate Kyla.

Isang sulat. Sulat na napaka importante. Ang sulat na iyon ay nang galing sa pinakamamahal kong kapatid. Ito ang tanging paraan upang mapanatili ang komunikasyon sa isa't isa.

"Oh Shane!" Abot sa akin ng sulat ni Ate Kyla.

"Ah salamat ate kyla!" Sabay akyat ko sa taas. Nanduon kasi ang kwarto ko.

Ginawa ko na lahat ang kailangan kong gawin bago ko basahin tong sulat and I think tapos na ako, so it's time for me to read this letter now.

Huh? Bakit ganon?

"Ate Kyla!!! Bakit walang laman ito??!!" Sigaw ko, para marinig ni Ate Kyla sa baba.

"Anong wala!!!?? Binigay lang yan sa akin!!" Sagot ni ate Kyla. Narinig ko yung mga yabag ni Ate Kyla paakyat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 15, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Make Me Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon