A Night to Remember

256 5 0
                                    

“A Night to Remember”
by:lunaticme14
A/N: No part of this may be reproduced or transmitted in any form by any means without written permission from the author.

PLEASE DON’T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU ^_____^
LABLAB <3

 “I <3 Christopher” ayan, sulat-sulat nanaman ako sa likod ng notebook ko. Notes sa harapan, pero sa likod, tadtad ng mga pangalan ni crush o labidoo ko.

“Best, Kaylan ka ba titigil sa sa pagsusulat diyan?” eto nanaman po si Angelie, ang bestfriend ko.

“Hay, ano naman ang masama dun?”echusera talaga ito oh.

“Tingnan mo nga yang notebook mo. Malapit na maubos”

“Eh di, bibili na lang ako ng bago. Problema ba yun? At tsaka, parang di mo rin yan ginagawa. Di lang notebook ang sinusulatan mo, pati mga tables and walls.”

Mas malala kaya yung sa kanya.

“Ok!Ok! Talo nanaman ako. Suko na. Hay naku! Sabihin mo na lang kasi ng personal na mahal mo si Chri—“ WTF?! Tinakpan ko kaagad ang bunganga niya. Naku! Nasa canteen pa naman kami. Sasabunutan ko talaga to eh. Kaibigan lang talaga ang magiging dahilan kung bakit nabubuking ka. AIST!

Speaking about sa mahal ko, parating na siya! Bakit ba ang gwapo-gwapo niya? Kahit simple lang siya manamit, hot pa rin siya tingnan. At dahil baka mapatay ko na si bestpren, inalis ko na yung kamay ko sa bunganga niya.

“HAAAA!! Papatayin mo ba ako?!” with matching hingal pa.

“Hehehe, sorry” ^_^V

“Hay.. punta na nga muna ako dun. At bibili muna ako ng pagkain.”

Sabay alis. Aba! Iniwan ba naman ang kanyang magandang bestpren na nakatitig sa mahal niya? Nyahaha! Hindi naman loner si labidoo ko, actually may kasama siya. Babae.

Si Allison. Sila na kaya? Eh kasi naman, ang sweet nila. Mamen! Kahit di kami, oo, inaamin ko na nagseselos ako. Kung nakakamatay lang itong pagtitig, baka kanina pa namatay si Allison.

OY! ANG BAD KOOO! Erase-erase.

Ano naman kasi ang laban ko sa kanya? Maganda.Matalino.Mabait. Oh, san ka pa? Full package na siya. Eh ako nga.....

NEVERMIND na nga lang!

“Lusaw na lusaw na talaga sila sa titig mo.” At biglang umeksena si best.

“Tsk.”eh sa nagseselos nga ako.

“Eto oh, juice” malamang, ininom ko ito.

“So, may partner ka na ba sa darating na Christmas ball?” Agad naman ako napatingin sa kanya.

“Wala pa eh, ikaw?”

“Meron na. Si boyfie”

“Di naman kaylangan na may kapartner eh. Kaya bahala na!”

“Sus! Ang sabihin mo, gusto mo lang SIYA makapartner” at talagang emphasize ang siya.

“Di kaya”

“Ewan ko sayo. Tara na nga. Baka ma-late pa tayo sa next subject natin”

Tumayo na ako then inayos ko na ang mga gamit ko.

“Tara” at nagsimula na kaming maglakad.

Sana nga, ako na lang ang kapartner niya.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Night to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon