Chapter 1

1.6K 8 0
                                    

Dj's POV
Ako si Daniel, 17 years old at estudyante sa Green Park Montessori. 4th year na ako at bagong transfer lang sa kuta ng mga spoiled brat na mga estudyante.

Kung hindi lang sa
kasunduan namin ni Mama, hindi talaga ako papasok sa school na to. Oo inaamin ko kilala
ang GPM sa buong bansa pero masaya naman ako sa dati kong eskwela.

Consistent honor student ako. Seryoso at mahilig talaga akong mag-aral kaya nga parang hindi ako babagay sa school ng mga spoiled na walang ibang ginawa para magpayabangan lang ata.

Nasa harap na ako ng bago kong school. Maganda at elegante ang school na ito.

Sa tuwing lalabas nga ang mga estudyante dito eh pinapasarado pa ang daan kaya madalas
magtraffic. Mga anak ng politiko, negosyante at mula sa prominenteng pamilya ang
kadalasang nag-aaral sa GPM.

Nadaanan ko ang mga babaeng studyante na nagkukuwentuhan sa hall way. Seryoso ang
usapan nila ng napadaan ako, narinig kong na ang bagong brand lang pala ng lipstick ang
pinaguusapan ng mga ito.

Hay nako ang mga babae talaga.

Lahat ng rooms ay fully air-conditioned. Ang mga upuan ay maayos at ang buong vicinity
ay malinis. Halos dito nag-aaral ang lahat ng mga pinsan ko. Hindi nga nila maintindihan
kung bakit mas pinili kong mag-aral sa simpleng paaralan ng San Agustin. Para kasi sa akin,
kaya kong gamitin ang utak ko at hindi ang pera ng magulang ko para pumasa.

Hindi ko na pinansin ang iba pang nakastambay sa hall way. Kung ano ano lang naman din
ang pinaguusapan ng mga yon.
Wala yatang alam gawin ang mga ito kundi magsayang lang ng oras. Kahit nga ang mga
pinsan kong uubod ng tamad mag-aral at puro lang gimmick ang ginagawa ay pumapasa
pa din. Ang alam ng iba, ang GPM ay isang eskwelahan na kung saan matino ang mga
estudyante, nagkakamali sila. Sa GPM bilang mo lang ang mga tunay na nagaaral, bukod
sa mga scholar….hindi ko na alam.

Ilang saglit lang ay narating ko na rin ang classroom. Halos wala pa sa kalahati ang nasa
room. May pangilan ngilan na nagbabasa, ang iba naman ay ginawa ng beauty parlor at
tambayan ang room. Tumingin ako sa relos ko, anong oras na ba at parang konti pa lang
ang mga students? Mas nauuna pa ba talaga ang mga teacher sa pagpasok kesa sa mga
magaaral dito?

Last 2 minutes ng isa isang magdatingan ang mga bago kong mga kaklase. Kasalukuyan
akong nagbabasa ng marinig ko ang mahinang kwentuhan ng mga studyanteng nasa gilid
ko.

Lumingon ako sa labas ng room. May nakita akong K-POP este isang grupo ng mga
kababaihang estudyante sa labas. Isa isang sumilip ang mga kapwa ko estudyanteng bago
rin sa paaralang iyon, sino ba ang mga ito? Artista?
“Ayan na ang CHARMS” sabi ng isang bago kong kaklase . Charms? Siguro iyon ang
pangalan ng grupo ng mga estudyanteng ito. Binubuo ito ng apat na girl student. mukhang
mayayaman at syempre maaarte.

Uniform ang apat na ito. Akala mo ay magtatanghal sa entablado. Mula sa ayos ng buhok
hanggang sa haba ng palda na kasing haba ng sa suot ng napapanood kong anime.
Natawa na lang ako.
Mukhang sikat ang mga ito. Halos magkagulo kasi ang mga kalalakihan sa labas ng hall
way. Kaya pala marami pang hindi pumapasok sa mga classroom nila. Napailing ako ng di
sinasadya. Malalaman mong kabilang sila sa isang grupo dahil sa ribbon na nakatali sa
kaliwa nilang wrist na animo’y bracelet. Iba-iba man ang kulay ng bawat isa, parepareha
naman ang disenyo nito.
Naghiwahiwalay na ang apat na mga “PRINSESA”. Oo, parang prinsesa kasi kung ituring
ang mga ito sa buong school.
Nakita kong pumasok ang may dilaw na ribbon sa klase namin. Aba’t akalain mong may
nakapasok pa pala sa kanila sa higher section. Naku…baka ginamit ang pera..naisip ko.
Nakatayo pa rin ang babae sa harap ng black board. Tinitingnan kung san siya pwedeng
maupo. Maganda siya. matangkad at morena pero mukhang mamatay pagnagulo ang
mahaba at straight nitong buhok na hanggang bewang. Parang pamilyar ang babaeng
to.
Sa gawing kaliwa ko na lang ata ang bakante. Medyo nasa unahan ang pwesto ko.
Lumakad siya palapit, tiningnan ang upuan at lumakad ulit. Ayaw niya sa pwestong ito?
Sinundan ko ng tingin ang babae, lumapit siya sa isa naming kaklaseng bising busy sa
pagreview. Makapal ang suot nitong salamin at halos hanggang taas ang pagkabutones
ng polo nito. Napagalaman kong Anthony ang pangalan niya.

Tumingin si Anthony sa prinsesang nasa harap niya. Nakita kong ngumiti lang ang prinsesa at
biglang inayos ni Anthony ang gamit niya at lumipat na sa tabi ko.
HUH???? Ginagamit nito ang ganda niya para makuha ang gusto niya. Tsk.Tsk. Sorry
“MAHAL na PRINSESA” pero sakin di ka uubra.
Nagulat ako ng kinalabit ako ng babae sa tabi ko.
“Transferee ka?” nakangiti siya.
“Yes”. Sagot ko at itinuon ko ang tingin sa librong kanina ay binabasa ko.
“By the way, I’m Rina, and you?” pagkasabi no’y nilahad niya ang kamay niya.
“I’m Daniel, but you can call me DJ” ngumiti ako. “Ikaw? Transferee ka din?” dugtong ko.
“Nope” sagot ni Rina.
Tumango na lang ako. Simple lang si Rina. Mukhang seryoso din sa buhay at malayo siya sa
gawi ng iba naming mga kaklase.
Mabilis na natapos ang klase. Panghapon ang mga pinsan ko dahil nasa lower section sila.
Si Rina ang kasabay kong kumain sa canteen kasama sina Eunice, Laureen at Monique.
Umiinit talaga ang ulo ko sa mga babaeng walang ginawa kundi magmake-up. Hanggang
dito ba naman sa canteen? Ayaw na ayaw yata nitong mga to na nababawasan kahit
konti ang make-up nila ng dahil sa hangin. Parang laging haharap sa kamera.
As usual dumating na ang mga PRINSESA. Parang sa catwalk rumarampa.
Nagulat ako ng nagsalita si Rina.
Rina: Sila ang CHARMS. Sila ang isa sa mga grupong gustong gusto ng mga babaeng school
na kabilangan. dahil sikat sila at halos lahat ng boys ng GPM eh nagkakandarapa at
gagawin na yata ang lahat maidate lang ang isa sa mga yan.
Dj: Nagkakandarapa? Pati dun sa may red na bag?
Rina: Except siya.
Natawa ng bahagya si Rina.
Rina: Nadadala lang ng mga kasama niya.
Mahinang nagtawanan ang iba pa naming kasama.
Magaganda nga ang mga ito except nga sa nakapulang bag na ang self confidence lang
ata ang nag-aangat.
Rina: yung may pink na bag si Yen.
Dj: Parang napakataray.
Rina: Sinabi mo pa. anak yan ng isang Congressman.
Kaya pala.

Rina: Yung naka violet na bag, si Julia, anak naman yan ng isang sikat na aktres.
Dj: eh yung naka yellow na bag?
Tumingin sakin si Rina
Rina: Siya si Kathryn. Kathryn Chandria. Ayaw niyang magpatawag na Chandria, nagagalit
yan parang pangmatanda daw kasi. Siya nga rin pala ang leader ng charms. Siya rin pala
ang Student Council President
Dj: President??
Ngumiti siya at itinaas ang kanyang kilay.
Rhea: Nanalo dahil sikat. Si Kathryn, anak naman yan ng isa sa mga matatagumpay na
negosyante sa bansa. Meron nga silang pag-aaring mall eh.
Nakatitig pa din ako kay Kath.
Dj: Kayo ba ginusto nyong mapabilang jan?
Rina: Natawa sila. NEVER! Sabi niya at nagtawanan ulit sila. Anong meron????
Tumingin ako kay Rina.
Nagulat ako ng may bola na gumulong sa paanan ko. Andito na pala ang mga basketball
players.
Rina: Sila ang varsity teams. Yung nauuna, si Enrique siya ang captain ball, yung palapit si
Diego.
Dj: Ahh.

Pinulot ko ang bola at ipinasa iyon sa lalaking dapat ay kukuha non. Parang kinilig pa ata si
Laureen ng lumapit sa amin si Diego. May gusto??
Diego: Salamat pare.
Tumango lang ako.
Lumapit si Enrique at ang iba pang player sa lamesa nila Kathryn. Ipinatong ni Enrique ang
isa niyang paa sa upuan at nagpacute. Naitaas ko ang dalawa kong kilay at itinuon ko na
lang ulit ang atensyon ko sa pagkain ko.
Natapos na namin ang pagkain at nagdecide na bumalik na sa classroom.

Loving You For No ReasonWhere stories live. Discover now