BOREDOM kapag nagflatline ang emotions mo

28 0 0
                                    

Nakakatakot kapag narinig mo ang tunog ng heart monitor na biglang parang tatalon na mauuwi sa tunog flatline, lalo na kapag ito'y nakakabit sa mahal mo sa buhay. Kapag nangyari ito, mag-aalarm at papasok na ang mga nurses at iba pang mga medical personnel para tumulong sa pasyente. Scary ba? Oo naman! Pero kapag ang emotions mo na ang nagflatline----resulta ng napakaraming ibinabato sayo----bihirang may makapansin. Bigla na lang magshu-shutdown mo at maiiwan kang pagod, bored at manhid. Oo, humihinga kapa rin pero wala nang kulay ang buhay. Pagkagising mo, para kang robot na kikilos at tatapusin ang isa na namang araw.

  Sa librong The Feminine Mystique, may chapter si Betty Friedan na pinamagatang "The Problem that Has No Name." Dito ay tinalakay nya ang nararanasan ng maraming babae sa buong mundo. Ito ang pakiramdam ng isang 20-year old mother:

[Tinatanong ko ang sarili ko kung bakit ako masyadong dissatisfied. Mabuti naman ang kalusugan ko, maayos ang mga anak ko, may magandang bahay, may sapat na pera. May kinabukasan ang asawa ko bilang isang electronics engineer. Pero hindi sya nakakarelate sa nararamdaman ko. Sabi nya baka kailangan ko lang ng bakasyon. Pero hindi ito yun! Hindi ako makaupo at makapagbasa ng libro nang mag isa. Kapag natutulog sa hapon ang mga bata, nagpapalakad lakad lang ako sa loob ng bahay habang hinihintay silang magising. Hangga't sa magigising ka na lang isang umaga, at marerealize mong wala kang ma-look forward to sa araw na yon! ]

  Ang sinasabing problema ni Betty Friedan na walang pangalan ay kadalasang idini-describe as boredom. Ito ang resulta kapag nag-flatline na ang emotions mo. Problema ito ng maraming tao. Anuman ang meron o wala sa iyo ay hindi garantiya na hindi ka mahuhulog at magiging biktima ng boredom. Mayaman at mahirap, gifted o neglected, ang mga matatalino at medyo mapupurol ang utak, ay kasama sa hanay ng mga bored. Ang sabi ni Harry Johnson, isang medical doctor:

Ang civilization ngayon, ang pinaka-advanced sa buong kasaysayan, na ang may pinakamataas na standard of living, ay nakapag-produce ng isang generation ng mga taong bored at walang pakialam. Naghahanap tayo ng entertainment pero tingin natin dito ay walang kwenta. Sa kabila ng isang magandang palabas sa entablado, may mga gaong nag-aalisan bago pa ito matapos. Nakaupo tayo sa tapat ng TV natin habang nanunuod nga mga shows at pelikula, pero hindi natin napapansin kung ano nga ba ang pinapanuod natin. Wala tayong ganang magbasa ng mga dyaryo at. Kapag sinabi nating, "Pagod ako", ng gustong sabihin ng marami sa atin ay, "Pagod na ko sa ginagawa ko. Pagod na ako sa klase ng buhay ko."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 01, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Boredom, Stress and Burnout (Paano ko iha-handle?) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon