Nakaupo ako sa may upuan ko sa room at hinihintay ko yung gwapo kong bestfriend mag tatime na kasi wala parin siya hindi naman pumapasok ng ganitong oras yun. Laging maaga yun, minsan mas maaga pa nga sakin ehh. Bakit kaya late yung isang yun.
RRRRRRRRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGGG!!!!!
Tumunog na yung bell wala parin siya. Absent ba yun?. Bakit hindi man lang nag txt sakin. Kinuha ko yung phone ko sa bag ko itetext ko na sana siya kaso dumating yung teacher namin.
"goood morning class" bati nito samin.
kaya tumayo kami at binati siya ng "good morning sir" At umupo din naman kami. Anong kayang nangyari dun haist!!.
Pakilala muna ako. Ako si Briana Dyker. two years from now graduate na ko. At yung hinihintay ko kanina pa is my bestfriend Lemuel San Isidro. We are a big fan of k-pop. Nag cocover group nga kami with the same entertainment (sa mga hindi po nakakaalam ang cover group o cg, ito po yung bubuo kayo ng group at sasayawin nyo po ang mga sayaw ng fave k-pop group niyo). At dun ko siya unang nakilala.
Pag pasok ko ng dance studio wala pa yung mga kagroup ko. maaga pa kasi ehh wala na naman kaming gagawin sa school kaya dito na ko dumeretsyo.
umupo lang ako dun sa fave place ko yung katapat ng electric fan. Malaki yung Dnce studio kasi may kasabay daw kaming isang exo cover group.
Mukang nandito na yung exo cg kasi meron ng mga bag dito.
Umupo lang ako at tsaka ko nilabas yung dinudrawing kong anime. Nag drawing na lang ako dun habang hinihintay ko yung mga kasama ko.
"ang ganda naman niyan" nagulat ako dun sa nagsalita pag tingala ko may lalaking nakatayo sa may harap ko.
"thank you"
"ikaw yung sa dream grils cg?" tanong niya sakin.
Nag nod na lang ako at ngumiti sa knya. Umupo siya sa tabi ko "ako nga pala si Lemuel" inabot niya sakin yung kamay niya kaya kinuha ko kamay niya at nakipag shake hands.
"Briana" sabi ko.
Simula nun lagi na kaming mag kasama. Naging bestfriend na kami.
"miss Briana"
nabalik ako sa katinuan nung may tumawag sakin napatingin ako sa harap at si sir pala ang tumawag sakin.
"miss Briana are you okay?"
"yes sir!!. " matamlay kong sagot.
Hindi nanaman niya ko tinanung ulit at nag patuloy lang siya sa pag tuturo ng lesson na hindi ko namna maintindihan.
Dumaan pa ang dalawang subje pero hindi ko naman naintindihan yung mga tinuturo nila masyado akong lutang. Hinihintay kong mag txt si Lemuel. Pag kasi absent yun nag tetext o tumatawag sakin yun.
RIIINNNNNNNNNNGGGGGGGGGGGG
Lunch na pero wala akong ganang kumain kaya pumunta ako sa may likod ng school may malawak na field, dito kami lagi nakatambay ni Lemuel kapag Lunch.
Umupo ako sa favorite spot namin, sa ilalaim ng puno. Kinuha ko yung phone ko hindi parin nag tetext yung damuhong yun. arghh!!! nakakainis na siya parang walang nag aalala sa kanya ahh. I dial his number pero nakatatlong ring na hindi niya parin sinasagot. Ano bang nangyayari sa lalaking yun. Dial lang ako ng dial pero hindi parin niya sinasagot lalo kong kinakabahan.