Ang Pagsisimula

1 0 0
                                    

Ako si Andrea Xeira Glinoga, labing-anim na taong gulang nasa ikaapat na taon na sa Sekondarya na matagal ng minamahal ang isang lalaki na nagngangalang Xymon Brett Azer, nasa ikaapat na taon na din siya sa Sekondarya, matalino talentado at gwapo.

Simula pa lang humahanga na ako kay Xymon, hanggang sa natuklasan ko na hindi na lang basta paghanga lang ang nararamdaman ko para sa kanya kundi pagmamahal na, labis na pagmamahal. Bukod kasi sa napakagwapo niya, ang galing maggitara at kumanta, mabait at sobrang bait pa, sa katunayan nga simula pa lamang nung kami ay nasa unang baitang ay siya na ang nagunguna sa aming klase kumbaga masasabi mo na nasa kanya na ang lahat. Ang ipinagtataka ko nga lang ay hanggang ngayon ay NGSB pa rin siya o kailanman hindi pa siya nagkakaroon ng kasintahan.

BALANSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon