Wanted: Perfect Boyfriend/ A Choice to Love

123 3 0
  • Dedicated kay Ghie Rocha
                                    

Prologue

…………………………………………………………………………..

Destiny… Love… Soul mate…

Tatlong bagay na pinaniniwalaan ng tao..

Ang tanong eh..totoo kaya to? Para sa kin kasi oo..

Kasi nang dahil  kay Destiny nakilala ko si Soulmate..nang dahil sa Love…nalaman ko kung sino ang Destiny ko…

Magulo ba?? Siguro it doesn’t make any sense…

Ganun naman sa Love dib a? Hindi importante kung Soulmate mo siya o hindi,destined man kayo sa isat isa or not..what I know is pag nagmahal ka..kaylangan mong ipaglaban..

Natutunan ko yan sa taong mahal ko…                              

Pano kung parehas mong nakilala ang Soulmate mo at ang Destiny mo..? sinong pipiliin mo sa dalawa?

Nangyari na sa kin to,and this is how it goes…

The Question is … sinong pinili ko? My Soulmate or my Destiny?

Chapter 1:

Ang ganda ng umaga ngayon…maaliwalas ang paligid..nasa gate na ako nung binati ako ni manong guard.. “Aba,walang palya ah, ala sais pa lang nandito ka na”.. ngumiti ako sa kanya..

“Siyempre manong,daig ng maagap ang masipag”…

“Tama yan!!”.Sagot ni manong tapos nag FIGHTING sign siya..

“Kayo talaga manong,sige una na ho ako”…Pumasok na ako sa loob ng school tapos dumiretso sa locker room..

Habang kinukuha ko yung mga libro na gagamitin ko may narinig akong tumutugtog ng electric guitar sa music room…Sa 3rd floor yun,nasa 2nd floor ako,wala namang tao kaya rinig na rinig yung tugtog… pumunta ako sa 3rd floor para tignan kung sino yung nandun..

Dumungaw ako sa bintana ng music room,tapos tinignan ko kung sino yun…Lalake siya,estudyante siguro siya dito, sino kaya siya? Matangkad tapos maputi,mahaba yung buhok niya and may hikaw siya sa kanang tenga,cute siya at magaling siya mag gitara ah… di ko kilala,basta alam ko estudyante siya dito,naka uniform ng school namin eh ano naman ginagawa niya rito?. Hindi naman siya taga music club ah?...hmmmm

Binuksan ko yung pintuan ng music room..tumigil siya sa pagtugtog,

“A..ano,pasensya na naistorbo kita,hayaan mo sa susunod—”..hindi na niya ako pinatapos, tinitigan niya ako ng masama tapos binaba yung gitara.. “Wala ng susunod,dahil hindi na ako pupunta dito”.. sagot niya tapos umalis na siya..Grabe, natanga ako dun,napahiya ata ako..

‘NAPAKASUNGET!!!!!!!!!!!!!!’ sabi ko sa sarili ko..

Dumiretso na ako sa classroom namin..wala na akong pake kung saan nagpunta yung lalakeng yun!! >__< hindi naman ako interesado sa buhay niya!! Bakit? Sino ba siya?!! Tch!

7:30 a.m. start na ng klase…

‘Napakayabang kala mo kung sino!! Ano naman kung magaling siyang tumugtog? Lyka Giselle,bakit ka ba kasi pumunta dun?..’

“Giselle,”

“Giselle”…Tinignan ko yung tumawag sa kin, yung seatmate ko, si Yanni,kaibigan ko sa klase namin..

“Ms. Lyka Giselle Torres!!” sigaw ni mr. Juaquin, class adviser namin…

Tumayo ako.. “Yes sir?”

“Nag eenjoy ka ba sa pagkausap mo sa sarili mo?baka gusto mo tayo naman ang mag usap sa faculty office”…nagtawanan ang buong klase.. SHOOOOOOOCKKKSS!!! EPIC FAIL!!

Wanted: Perfect Boyfriend/ A Choice to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon