I Love You, Goodbye

155 8 0
                                    

Wish I could be the one...

Saan nga ba tayo nagsimula?

Saan nga ba tayo unang nagkita?

Saan? Saan? Saan?

Parang kailan lang ano?

Parang kailan lang noong naging tayo.

Parang kailan lang noong parati tayong nasa kwarto at tayo ay sobra nang kuntento.

Parang kailan lang gusto kitang ipagmalaki.

Parang kailan lang noong huli tayong nagkatabi.

Parang kailan lang, hindi ko napansin na umabot pala tayo ng pitong taon.

Ngunit,

Ang pitong taon na nagdaan ay hindi na muling nadagdagan.

The one who could give you love..

The kind of love you really need...

Wish I could say to you...

Maraming umasa na taga hanga natin sa pa "hi, babe" mo. Ang hindi nila alam, hindi pala ako ang tinutukoy mo.

Hanggang sa huling sandali kahit masakit tinawag mo akong "Juliet".

Mga sinabi ko noon. Bakit ba umaasa pa rin ako ngayon? Ika nga ni Bernard Cloma wala na pero lagi kung sinasabi ang sana mayroon pa.

Sabihin na nilang masyado akong nagpabulag sa iyo, wala eh, mahal kita talaga.

Sa dinami rami kung iniisip ang pinaka nagtagal ay iyong tanong na "bakit pa ikaw ang mahal?",

Bakit nga ba?

Bakit ikaw na sinasaktan ang puso ko nang sobra?

Bakit mahal pa rin kita kahit ang sakit sakit na?

Bakit?

Maraming tanong sa aking isipan at isa na doon ay ang bakit ba kita minahal. Lagi akong nagbubulag-bulagan sa mga bagay na kitang kita naman.

Oh I could say that I'll be all you need...

But that would be a lie..

Alam ko na ako ang may gusto, pero sana inisip mo na may damdamin din ang katulad ko.

Ang taong ito ay napapapagod din sa kakatakbo at kakahabol sa taong iniwan at ipinagpalit naman na siya.

Lalong lalo na sa taong bumitaw sakanya.

Masakit, masakit, masakit 'yung sakit, sobrang sakit, hindi ko mawari ang sakit.

Masakit pero masarap.

Mahal kita, mahal kita, mahal na mahal kita.

Mga sinabi ko na naman noong mga panahon na alam kung tama na at pagod ka na.

Sana ako iyong hanggang ngayon tinatawang mo na "babe".

Sana ako iyong mahal mo at walang kahit na anong sakit.

Sana ako iyong taong habang buhay mo na mamahalin.

Pero,

Lahat ng mga iyon ay puro sana na lamang. Dahil kahit kailan, alam kung hindi na pwede.

Sa mata ng mga tao at sa damdamin ng tao sa mundong ito.

Sumubok akong magmahal ng iba. Sinubok ko na kalimutan ka at ginawa ko ang lahat ng aking makakaya, para matapos na ang lahat nang paghihirap.

Para matapos na ang lahat ng sakit.

Sana masaya ka sa piling niya. Sana mahalin mo siya nang sobra sobra.

Iparamdam mo sakanya ang higit pa sa aking mga naramdaman noong tayo pang dalawa.

Noong tayo pa ang maligaya at masaya.

Mahirap tanggapin na kailangan ko na nga talagang bumitaw.

Ngunit,

Salamat sa lahat at kailangan ko na nga talagang magpaalam.

I'm not the one you're needing...

I love you, goodbye.

I Love You, Goodbye (ViRence)Where stories live. Discover now