Ang Tula ni Joaquin [Kathniel Fan Fiction]

26 0 0
                                    

Ang Tula ni Joaquin [Kathniel Fanfiction]

written by: Iamhyouka <3

Noong una inakala ko'y simpleng pagtingin na napagnilayan

Bawat araw na ika'y nasisilayan

Puso'y tila sumali sa karera ng kabayo

Ang lakas ng tibok abot hanggang kabilang ibayo

"Mahal mo nuh?"

Tanong ng isa kong kaibigan

Nang minsa'y mahuli na ika'y sinusulyapan

"Hindi ah."

Aking pagtatanggi

Kahit ako ay huling-huli

"Paano ko naman magugustuhan 'yan? Hindi ko nga alam ang pangalan."

Dagdag ko pa

Kahit sa loob-loob lahat ng tungkol sayo'y kilalang-kilala

Ilang araw ang lumipas

Dahil sa takbong kumakaripas

Bigla-bigla na lang tayo'y nagkabanggaan

Sa hallway ng unibersidad iyong mga aklat ay naglalaglagan

Sa isang kampay ng kamay

Landas nating dalawa'y 

Biglang nagkasalubong

Sa aking sarili ako'y napabulong

'Marahil ito na ang aking pagkakataon'

"Sorry miss nahulog yung mga libro mo."

"Hindi, okay lang. Akin na."

Sa halip na magalit

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Tula ni Joaquin [Kathniel Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon