Ang Tula ni Joaquin [Kathniel Fanfiction]
written by: Iamhyouka <3
Noong una inakala ko'y simpleng pagtingin na napagnilayan
Bawat araw na ika'y nasisilayan
Puso'y tila sumali sa karera ng kabayo
Ang lakas ng tibok abot hanggang kabilang ibayo
"Mahal mo nuh?"
Tanong ng isa kong kaibigan
Nang minsa'y mahuli na ika'y sinusulyapan
"Hindi ah."
Aking pagtatanggi
Kahit ako ay huling-huli
"Paano ko naman magugustuhan 'yan? Hindi ko nga alam ang pangalan."
Dagdag ko pa
Kahit sa loob-loob lahat ng tungkol sayo'y kilalang-kilala
Ilang araw ang lumipas
Dahil sa takbong kumakaripas
Bigla-bigla na lang tayo'y nagkabanggaan
Sa hallway ng unibersidad iyong mga aklat ay naglalaglagan
Sa isang kampay ng kamay
Landas nating dalawa'y
Biglang nagkasalubong
Sa aking sarili ako'y napabulong
'Marahil ito na ang aking pagkakataon'
"Sorry miss nahulog yung mga libro mo."
"Hindi, okay lang. Akin na."
Sa halip na magalit