"Pero dok, may magagawa pa naman po diba? Hindi naman po mamamatay ang anak namin diba?"
"Dok iligtas nyo ang anak namin" hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ni hindi ako makakibo. Hindi din ako makaiyak. Ewan ko ba. Baka siguro nabigla ako sa mga pangyayari. Kanina pa nakikiusap si mama at papa doon sa doktor. Nagmamkaawa na isalba ang buhay ko.
"Anak" lumabas si mama, at papa. Niayakap ako ni mama ng napakahigpit. Feeling ko mas mamamatay ako sa yakap ni mama. Sobrang higpit kasi,
"Ma, pa, okay lang ho ako" ngumiti ako sa kanila kahit alam kong hindi ko kaya. Tila tumigil ang mundo ko.
"Anak, gagawin lahat namin ni papa mo ha?" hinaplos haplos ni mama ang buhok ko habang umiiyak sya.
**
"Valorie! Gagaling ka diba?" hinabol ako ni miles hanggang labas ng gate ng school.
"Oo naman!" lakas loob kong sabi. Hindi na akopwedeng mag aral, dahil sa kalagayan ko. Ayoko na pati. Masasayang lang ang pera ni mama at papa. Tutal mamamatay na lang din naman ako eh. Bakit pa ako pag aaralin diba?
"Val, promise me? Dont you ever give up!" niyakap ako ni miles ng mahigpit parehas siya ng parents ko ayaw akong mawala.
"Promise" saad ko at tska lumakad palayo sa kanya.
**
"Ma. Napag desisyonan ko na po, doon na lang po muna ako sa CHILDS HOME" tama nga. Doon na lang ako para hindi ko din maabala si mama at papa. Doon kasi dinadala ang karamihang mga bata o teenager na may cancer.
"Anak sigurado ka ba? Hindi ka namin pwede iwanan mag isa" pag aalala ni papa.
"Pa, syempre aalagaan nila ako doon. Wag kayong mag alala ma, pa. Mabubuhay ako" nginitian ko sila. Para naman mapawi sa mukha nila ang lungkot.
"Syempre naman" sabi ni papa. At tska ako inakbayan. Tumawa tawa sya. Pero alam kong naiiyak na sya. Hindi ko naman masisisi si Lord kung bakit maaga diba? Eh kung nakatakda na talaga eh.
***
"Anak mag ingat ka ha? Inumin mo ang mga gamot mo. Tatawag kami lagi ni papa ha? Mahal na mahal ka namin val" niayakap akong mahigpit ni mama habang si papa naman ay hinalikan ako sa noo.
"Mahal na mahal ko din po kayo" inangat ko na ang aking maleta dahil nasa tapat na kami ng CHILDS HOME. Ito na an simula ng surviving life ko.
"Valorie estevan right?" Tanong sa akin nung isang doctor.
"Opo" pinaderetso muna kasi ako sa office para iconfirm ang pangalan ko.
"Sige, tara na sa kwarto mo" binuhat nya ang isa kong maleta hanggang makaabot kami sa kwarto ko. Hindi kagandahan pero maaliwalas at tahimik.
"Dito ka na muna maninirahan, hanggang gumaling ka, God bless" at tska ako iniwan noong doktor. Pumasok ako sa loob at pinagmasdan ang labas ng bintana. Ang daming mga kaseng edad kong nasa labas. Iba't iba sila ng ginagawa.
"Haaay" napabuntong hininga ako. Hindi parin ako makapaniwalang mawawala na ako sa mundong ibabaw.
***
After one month
Tyler
"I'm fucking serious alice, why are you going out with me?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa inis. Lagi na lang! Lagi na lang ganito!
"Look tyler, you're every girls ideal boy and-" pinutol ko ang pagsasalita nya ng magsalita ulit ako.
"So that's it? Because I'm the ideal boy of every girl that's it?" Gusto kong suntukin ang pader sa likod nya ngunit hindi pwede.

BINABASA MO ANG
Blaming own heart
RomanceSi Valorie, ay isang simpleng babae na may kaya. Masunurin sa magulang, at mabait. Higit sa lahat relehiyoso. Masayahin din sya. Pangarap nyang maging painter paglaki nya. Masyado kasi syang naantig sa art. Sakagandahan ng buhay kaya gusto nyang i-r...