The Dream

27 1 1
                                    

"ALODIA, SA KALIWA!" sigaw ng isang lalaking hindi ko naman kakilala, pero kasama ko siya, ang alam ko, nagtitiwala na ako sa kanya.

*boogsh!* yung sasakyan na dinadrive ko, biglang sumalpok sa isang malaking bato.

Tiningnan ko ang katabi kong mama at nakita kong dumudugo ang noo niya, hahawakan ko sana yung noo niya kaso biglang bumukas yung pinto ng side ko sa sasakyan.

"AAAAHHHHH! BITAWAN MO AKO!" sigaw ko na mangiyak ngiyak. Isang lalake na naka-maskara at naka-suit ang humila sakin palabas. Pagkatapos ay naglabas siya ng baril.

"Ui manong huwag! Bata pa ako! Madami pa akong pangarap sa buhay!", sigaw ko dun sa mama na nakapikit na umiiyak at mejo napapaluhod na.

*BAAAAANG!*, narinig kong putok ng baril. Pagkatapos nito ay natumba sa harap ko ang lalaking humila sa'kin palabas ng kotse na may tama malapit sa puso. nang lumingon ako, nakita ko yung mama na kasama ko sa sasakyan. Shet, ampogi pala niya. HAYNAKO ALODIA YUNG KARENGKENGAN MO WAG NGAYON. Tumayo ako at agad siyang lumapit at yinakap ako.

Reaksyon ko " O__O ".

"Mahal na mahal kita babyboo". Ano daw? Mahal na mahal kita babyboo? Hala hindi ko na alam ang nangyayari!

Biglang tinanggal nung lalaki ung yakap nya sa'kin ng mabilis at...

*BANG* *BANG*!

Dalawang magkasunod na putok ng baril mula sa kasama ko at sa lalaking kumuha sa'kin mula sa sasakyan.

Nagulat ako, dahil yung lalaking kumuha sakin sa sasakyan ay may tama na sa ulo. Tumalikod ako at... "WAAAAHHH!", yung lalaking kasama ko, nabaril sa may dibdib niya!

Hindi ko alam kung bakit pero, biglang tumulo ang luha ko. Kasabay ng paglapit ko ang pagkatumba niya mula sa kinatatayuan niya. Nakahiga na siya sa lap ko at umiiyak ako. Pinunasan niya yung luha ko tapos hinawakan niya yung mukha ko. Agad ko din naman itong hinawakan.

"Alodia.. I love you so much. I love you more than anything... Iloveyoumore than my own life baby. Never forget about that. Live for me. Everything will be okay.."

Bigla ko na lang siyang yinakap at hinalikan ko na lang ang noo niya. At sinabi ang salitang "ILOVEYOUSOMUCH".

Pagkatapos ay biglang nabutas ang lupa at nahulog ako.

*KKKKKRRRRRIIIIIIIIIIIINNNGGGGG!!!*

"AHHH!". Umaga na pala. Ano ba yan. Pasukan nanaman T.T Like this is so nakakasad.

yawn

inat

tayo sa kama

HI! :D Ako si Alodia Williams. 17 years old, at isang 2nd year Psych student. Unika hija nila mama at papa. Malamang Alodia. Duh -_- Sabi ko nga. Pero may isa akong kapatid, si kuya Jules, Jules Williams. Isa pa Alodia, malamang Williams din yan! Nako oo na kinakausap ko nanaman sarili ko. BTW. NBSB and very available pala ako! :D HAHAHA. Kaso hanggang manliligaw lang ang meron, walang nagiging boyfriend? :/ Huehue.

Bago bumaba ay ginawa ko muna ang morning rituals ko. Nagrorosaryo ako. Hahaha jk. Ligo, bihis, paganda ng konti. DONE!

Bumaba na ako ng hagdanan at dumeretso sa kusina. "Goodmorning family!", saad ko sa pamilya ko. "Morning sis", beso to kuya. "Morning baby", beso to mommy. "Morning princess", beso to daddy. What a sweet family :3 Napakaswerte ko sa kanila I swear. After ko bumati umupo na ako sa upuan ko. So bale ganito upo namin

MOM - ME

DAD |=========|

KUYA

Kwentuhan

Kaen

Kaen

Inom

Kaen

Inom

After nito nagbrush na ako at nagpaalam na aalis. Mejo boring nga lang ang family ko MINSAN. Minsan din wala sila. So... Ako lang ang naiiwan :(

"Mang Jose tara na po". Sabi ko sa driver ko.

Ilang minutes lang ang drive from bahay to school. Bihira din ang traffic dito samin. Takot ba mga motorista? Hahaha jk.

*SA SCHOOL*

"Hi girl!" sabay sabay na bati sakin ng mga kaibigan ko. Si Alice, Bella, at Shane.

"Hi Alodia", bati naman nung tatlo kong lalaking kaibigan. Si Jacob, Lendel, at Troy.

"Hi hi!" :D Masiglang bati ko naman sa kanilang lahat.

Sa school namin kami yung mga 'popular people'. Bagay nga daw sakin ang pangalan ko eh, ALODIA. Importante o popular. Pero sabi nila mom and dad they prefer the term IMPORTANT.

"Ui girl. Alam mo ba yung anak ng may-ari ng school kaklase daw natin?!" sabi ni Alice. Si Alice talaga, puro lalaki.

Sa barkada namin si Alice, Jacob at Lendel and ka-close ko. Yung tatlo minsan maiaw-awan (nawawala)

"Hala teh chill ka lang" sabi ko.

"Alice. Puro lalaki nanaman iniisip mo. Huwag mo ngang idamay si Alodia diyan sa kalandian mo.", sabi ni Troy kay Alice. Si Troy napaka-harsh. porket twins lang sila ni Alice eh.

"Troy pare chill ka lang.", sabi ni Lendel.

"Pare kanina pa kasi yan eh! Namumuro na sakin!", pasigaw na sabi ni Troy. Omooo! :O Anobaaa! Monday na Monday makasigaw nakakatakot.

"Alis muna kami ni Alice", sabi ko sa kanila.

"Sama!", daing ni Lendel at Jacob. Haynako ever ang cute talaga nila, parang bata ^^

"Ge". Cold na sabi ni Troy tsaka sumunod si Bella at Shane.

Like I said. Maiaw-awan -___-"

A Perfect Life of LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon