SM confession(one-Shot)

235 2 1
                                    

(One-Shot)

_____________________________________________

Nica's POV.

Nasa SM ako ngayon, galing sa school na may dala dalang papers at ang isang paper bag ng blue magic na may laman na isang teddy bear at isang necklace. May hinahanap ako. Isang tao. Taong nagbigay sakin nito. Magkikita kasi kami ngayon. Sabi niya kasi pagdating ng February 1 magkikita daw kami sa SM dalhin ko daw yung binigay niya sakin nung birthday ko, at ito na nga yun. 

Di ko alam kung saan ako pupunta. Wala siyang sinabi, basta may sulat na lang sa loob ng paper bag na yun. Iniwan niya kasi 'to sa locker ko. Wala ring sinabing pangalan. Ito lang ang nakasulat.

"Hi, Nica. Happy Birthday. Sana magustuhan mo 'tong gift ko sayo."

Yan lang ang nakasulat sa harap ng papel, walang nakasulat kung kanino galing tinignan ko sa likod, ay nakasulat kaso...

"PS: punta ka sa SM sa February 1 para malaman kung sino 'to"

At eto na nga ako, ewan ko ba kung may hinihintay ba talaga ako o wala -_- palakad lakad lang ako sa may SM at  kung ano anong pumapasok sa isipan ko di ko alam kung saan ako tutungo hanggang sa may nabangga akong lalaki..

"Aray !" Nalaglag yung mga Dala kong gamit.

"Ayy ! Sorry Miss. Sorry di ko sinasadya." Habang tinutulungan akong magpulot ng mga papel.

___

John's POV

Hindi ko alam kung paano ko aaminin kay Nica 'to. Ito na yung matagal ko nang hinihintay na pagkakataon. Hayy ! John hwag kang kabahan relax ka lang. Hwag ka masyadong padalos dalos. Yan lang ang tumatakbo sa isipan ko. Sa sobrang dami ng iniisip ko di ko na alam kung saan ako papunta hanggang sa..

"Aray !" Grabe naman John, relax ka nga lang ! Tuloy may nabangga ka.

"Ayy ! Sorry Miss. Sorry di ko sinasadya." Tinulungan ko na syang magpulot, grabe. saan ba 'to nanggaling, andaming papel ha ?

"Okay lang" Sabi niya ..

Wait lang.. parang kilala ko 'tong taong 'to ah, familiar yung boses. Pag-angat niya ng kanyang mukha para tignan ako. Shocks si Nica, Biglang tumigil yung mundo ko. Parang nag SLOW-MO ba. Nakita ko yung napakakinis at napakaputi nyang mukha, ang kanyang mga matang para bang matutunaw ka kapag ika'y kanyang tinititigan, ang kanyang ilong na matangos,ang kanyang cheekbones na litaw na litaw at bagay na bagay sa kanyang mukha, ang kanyang mga bibig na ka'y sarap halikan. Ngumiti siya at sinabing  "Oh John ikaw pala, Hi.. Sorry ha ? Nagmamadali ata ako."  dahan dahan kaming tumayo habang magkahawa yung mga kamay namin, nakatitig lang ako sakanya habang siya ay nagaayos ng mga gamit. Grabe, Lord nasa heaven na ba ako ? Napakaganda talaga nya, lalo na sa malapitan, 

*BOGSH !* 

Bigla na lang akong nagkamalay ng may bumunggo samin. 

"Halla ! Yung bag ko"

Ha ? Bag ? Bakit yung bag ? (Author: Hoy ! John nanakaw po yung bag nya)  Ha ? Na-snatch yung bag ni Nica ? Grabe John magpabida ka naman. Mamaya ka na yang mga iniisip mo. 

Hinabol ko yung nagsnatch, malapit na siya sa exit ng SM nang may humarang sa kanyang mga carts galing sa Hypermarket. Hindi na sya nakaabante pa dahil mahaba ito at sunod sunod pa. Nahuli ko siya at pinaalam sa guard na magnanakaw siya. Bumalik na ako kay Nica dala dala ang bag niya.

"Nica, bag mo pala."

"John salamat !"  Bigla nya akong niyakap ng mahigpit, Mahigpit na mahigpit. Grabe ! Na-stun na naman ako. Nasa langit na ba ako ? 

back to earth*

"May kasama ka ba ?" Sabi niya habang kumakawala sa yakap niya sakin.

"ah--eh-- wala naman, ikaw?"

"Kasi ano- May nagbigay 'to sakin nung birthday ko. di ko alam kung sino, sabi sa sulat magkita daw kami dito sa SM eh, wala pa naman ata sya. kanina ko pa siya hinahanap"

"Ah-- Nica" Sasabihin ko na ba ? LORD HELP !

"Ah ? bakit John ?"

"Uhm kasee ano---" Sige na nga mag-coconfess na ako bago mahuli pa ang lahat. "Ako talaga yung nagbigay sa'yo nyan" Kabadong kabado ako sa isasagot nya, pero positive or negative man 'to kelangan kong tanggapin kasi isa lang naman akong dakilang admirer niya -_-'

"ha?" Ganito lang ang mukha niya -----> o__________O

"Ah, Nica kasi mula Highschool hanggang ngayon college na tayo, may gusto na ako sa'yo. Ako kaya number one SECRET Admirer mo. Ang pagiging atleta mo, pagiging student counsil, pagiging Dean's Lister, lahat na sa'yo na kaya kita nagustuhan. Gusto kitang maging girlfriend. Gusto kitang makasama habang buhay, gusto ko ikaw ang ina ng mga anak ko. (Author: John ! Weeyyyyyt ! Medyo iba ata 'tong sinasabi mo ? Agad agad?) (John: Eh ano bang pakialam mo author) (Osige na nga continue) Nahihiya lang akong sabihin kasi ikaw yung campus crush baka baliwalain mo ako, sa tuwing nakikita kang masaya sa iba feeling ko wala na akong pag-asa sayo, sa tuwing aakyat ka sa stage at susuotan ng mga medal ng mama at papa mo ikaw lang yung babaeng pinapangarap ko, lahat ng natatanggap mong teaddy bears galing sa locker mo ako lahat may bigay nun. Sana matanggap mo ako.. Nica Mahal na Mahal na Ma----"

hindi ko na naituloy yung aking pagcoconfess...

I feel her lips we're pressed against mine,

sa wakas! ito na.. ito na talaga yung hinihintay ko. ang tamis ng una nyang halik. Hinintay ko ito. Hinintay ko sya ng mga taon at handa akong hintayin sya hanggang sa kahulihulian at kaduduluhan ng mundo.

END

_____________________________________

Hope you like it guys. Thanks for reading.

Also read OVER YOU by thisJOLLYgirl and FOREVER YOUNG (HighschoolDiaries) By RambowTan :)

SM confession(one-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon