Clueless farewell

54 0 0
                                    

katherine's pov

naniniwala ba kayo sa tadhana? tadhana na masyadong mapag laro? pero dati lang yon. one day i just found myself crying just because of that tadhana thingy. 

i believed in signs. yan kasi ang naging batayan ko para mahanap ang aking soulmate. sounds corny diba? -__- iniisip ko nga kung nang dahil sa mga senyales ba na yan nag simula ang love story ko.

he's ian, my ideal man. good looking.cute, genius man but he's a gangster. he is my classmate when i'm in 2nd year highschool pero pinalipat kasi siya nung teacher namin since hindi niya ma take ang ugali.

pero kahit hindi na kami magkaklase lagi ko pa rin siyang nakikita. and everytime i saw him, i can't handle the smile on my lips. 

i'm katherine, pero mas kilala ako sa pangalang "khyx". A brainy and talented higschool student of our prominent school in our city.

Aside from my looks i'm also known as academic awardee. an active campus band leader and musically inclined lady.

people have always thought that whoever my man was, is the luckiest guy in the entire universe. however, they were not aware of my feelings about ian.

hindi naman sinasadyang sumakto yung mga signs ko sa kanya. and besides hindi ko rin naman alam na mangyayari pala tong mga signs na ginawa ko. kay ian ko lang din naman nakikita tong mga signs ko.

before we graduate in highschool, gumawa ulit ako ng isang unexpected sign para maverify kung si ian nga ba o hindi ang para saakin.

october 24, 2040

umuulan nun sobrang lakas. hindi ko dinala ang car ko, i have no umbrella too. i didn't even bring my cellphone. kaya napagisipan kong magcommute nalang :( buti nalang may mga jeep pa. this was my first time riding a jeep.

kung may makakakita siguro saakin na schoolmate ko baka isipin nila na bankrupt na ang mga business namin. gross! bahala na pero namromroblema ako pano nalang pag bababa na ako? tsk! bakit kasi jeep pa sinakyan ko eh pwede namang taxi.

bahala na sana may payong na dumating bigla. aha! exactly! kung sino mang anghel ang makakapagdala ng payong na yun, siya na talaga. 

etong sign ang batayan kung siya ba talaga ang para sakin o hindi. nagtagal ang byahe ng ilang minuto hanggang sa tumigil ang jeep at nagsakay ng isang pasahero. super humihiling ako na sana dumating na ang  knight in shining armor ko. XD

pagtingala ko nakita ko si ian. bumilis ang heartbeat ko. i can't even breath. that moment hindi siya umimik at tila di niya ako napansin sana ito na yun! yuhuu!

huminto ang jeep at bumaba na siya. pero bago siya bumaba, napansin niya yata ako at saka siya ngumiti. parang huminto ang paligid ko ng ningitian niya ako ang saya saya ko dahil pinansin niya ako :)

nagtuloy ang byahe at hindi maalis ang ngiti ko. nung ako nalang ang bababa bigla kong naisip yung payong.

"oo nga pala wala akong payong" tila kinakausap ko ang sarili ko. malakas pa rin ang ulan tapos naalala ko ko yung sign. tumingin ako sa tabi ko kung saan siya naupo kanina at sobrang tuwa ko,

"may payong!" dark blue na folded tapos my initials na

"MKR". panagalan niya yun ah "michael kian rivera"

ngiti akong umuwi. bukod sa hindi ako nabasa sa ulan ay nag katotoo pa yung sign ko. ^_^

si ian siguro ang taong para sa akin. pinunasan ko yung payong at tinago. kinabukasan mas lalo pa akong nagkaroon ng tiwala na si ian nga talaga ng itinadhana para sa akin dahil sa narinig kong usapan nila ng isa niyang kasama

"badtrip, nabasa ako kahapon" -ian

"nabasa? edi ba may payong ka naman?" -kasama niya

"oo nga kaso naiwan ata dun sa sinakyan kong jeep. badtrip talaga! hindi ko kasi dala yung car ko eh kaya nagcommute nalang ako" -ian

dumoble ang ngiti ko. grabe eto na yung mga signs ko! :) tinago ko yung payong niya hanggang graduation. hindi ko yun binalik hindi na rin naman niya hinahanap eh.

patuloy akong naniwalang siya na talaga kaya nung college, hindi ako nagpaligaw at dahil sa pareho kaming unibersidad nag aaral.

alam ko kung my gf na siya o wala at sa mga panahong yon wala naman akong nabalitaang naging kasintahan niya.

many years later, grumaduate na kami at hindi ko pa rin sinusuko yung mga signs ko na pinaniwalaan ko halos buong buhay ko.

kaso nasira ang lahat nung araw na nalaman kong ipinagkasundo na pala ako nila mommy sa isang anak ng kasyoso nila sa business. at malapit na daw kaming ikasal. halos gumuo ang mundo ko nang malaman ko yun.

dumating ang araw ng kasal na hindi ko man lang nakikita ang mapapangasawa ko. umiiyak ako't nagmamakaawa pero tinuloy pa rin nila. nung takdang oras ay bigla nalang akong tumakbo para umurong sa kasal tumakbo akong umiiyak na parang isang baliw.

hindi to pwede.. si ian ang sabi sa signs ko. si ian! napahinto ako sa daan at nakita ang kotse ni ian, may kahalikan na babae mukhang nag eenjoy si ian sa ginagawa nila. wala na.. huli na... naging mapaglaro ang tadhana

tatlong araw akong nawala hanggang sa mapagdesisyunan kong magpakasal na lamang sa lalaking yun. kahit wala ng signs. hindi naman na siguro yun mahalaga. matututunan ko rin siyang mahalin. 

pagbalik ko, tahimik ang buong paligid. pagpasok ko, nakita ko ang isang kabaong. sumalubong saakin si mommy while crying.

"he's gone" sabi ni mommy habang umiiyak

nagpakamatay daw siya nung iniwan ko siya sa altar. i'm speechless. nilapitan ko ang kabaong ng sana ay mapapangasawa ko.

sa una't huling pagkakataon nakita ko rin siya. kinuha ko yung notebook na nakapatong sa taas ng kabaong niya dahil yun ang sabi sakin ni mommy. binasa ko ang sinulat niya nung araw bago kami ikasal.

june 15, 2060

sawakas, ikakasal nako! hindi ko alam kung anong emosyon ang paiiralin ko pero natutuwa ako dahil nararamdaman kong ang babaeng yon yung parehong babaeng nakasabay ko sa jeep nung nagcommute ako. yung babaeng minahal ko dahil sa sign

nagulat ako sa nabasa ko. hinanap ko yung araw kung kelan ko napulot yung payong at mas lalo pa akong nagulat...

october 24, 2040

umulan kanina sobrang lakas buti nalang may nasakyan pa akong jeep. iniwan kasi ako ni kuya sa mall kanina nung nag away kami at pati yung kotse kinuha niya pa. tsk!. tapos may nakatabi pa akong isang babae at sa unang pag kakataon naramdaman kong tumibok ng mabilis ang puso ko.

saka ko naalala yung pinagdasal ko kanina na sana makita ko na ang babaeng pakakasalan ko. at hindi nga ako nabigo dahil alam kong siya na yun. para makasigurado ako, iniwan ko yung payong ni ate. favorite niya pa naman yun, yung blue. may initials pa nga siya dun e MKR (marian kay roxas) bibilhan ko nalang siya ng bago.

pag nakuha niya yun ibig sabihin siya na kahit hindi ko alam ang kahihinatnan, magtitiwala nalang ako at patuloy magtitiwala :)

after kong binasa yun umiyak nalang ako ng umiyak. i did'nt expect that this would happen :'( oo nagsisisi ako dahil hindi ko manlang siya inintindi.

masyado akong naging emosyon kaya sa ngayon hindi ko na alam kung ano na ang mangyayari saakin ngayon.

baka habang buhay  akong magsisisi. sabi nga nila nasa huli ang pagsisisi ito ang pinaka pinagsisisihan kong nangyari sa buong buhay ko.

ang tadhana nga naman playful. minsan maiiyak ka nalang dahil napaglaruan ka nang di mo inaasaan at NAPAGLARUAN NGA AKO. :'(

-the end

lesson: dapat hindi lang sa isang tao mo ibubuhos ang attention mo kailangan mo ding intindihin ang iba para wala kang masaktan. intindihin mo ang desisyon ng bawat isa sayo subukan mo silang pakinggan para kahit anumang mangyari wala kang pag sisisihan :)

a/n: hiiii. short story lang to kaso pag nagustuhan niyo gagawin ko siyang long story. bagong kabanata ba. haha. comment nalang po kayo then vote. thankyouuuuu! :* :))

Clueless FarewellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon