Simula nung nakilala kita,mundo ko ay tumigil at hindi na ako makahinga
Para bang lumutang lang sa tubig,hindi mabuksan ang aking bibig
Pero nung sinabi mong mahal mo ako,siguraduhin mo lang na totoo,kasi ayaw ko na masaktan pa,masakit na at naka di ko pa kaya
Ibinigay ko ang tiwala ko sayo kasi alam ko na di mo ako lolokohin,sana naman totoo wag mo sana akong paasahin
Naniniwala na ako sayo ngayon,lahat ng mga pangako mo Oo naniniwala ako,pero naman sana tuparin mo,buhay ko ang nakasalalay dito
Mamahalin din kita, hanggat sa makakaya ko pa,sana ganun din ikaw,pangako mo na
hinding hindi ka bibitaw