LTSTA Prologue

10 0 0
                                    

"I love you, Suzainne Olivier!"
Sigaw ko langit kasabay ng pagpatak ng mga luha mula sa aking mga mata. Mga luhang nagpapahayag ng pasakit... pagsisisi... at pagdurusa. Marami akong gustong sabihin sa kanya pero hindi ko na masasabi dahil... patay na siya. Masakit mang isipin, pero wala na siya. At sinisisi ko ang sarili ko sa buong insidente.

Siguro, kung hindi lang ako nagpadala sa selos at galit sa pinsan niyang lalaki, baka buhay pa siya girlfriend ko na siya ngayon.

Kung hindi ko lang inuna ang pagb-bar at hinatid ko na lang siya pauwi, baka nailigtas ko pa siya sa mga gagong gumahasa sa kanya.

Casanova ako. Kaya takot akong magmahal... lalo na sa kanya, dahil baka sa huli masaktan ko lang siya. Pero, kung... kung mas maaga ko lang na naiparamdam sa kanyang mahal ko siya, baka wala ako dito't nagluluksa.

Nararamdaman ko ang malakas na hampas ng hangin, pero alam kong kahit gaano pa man ito kalakas, hindi nito matatangay ang sakit na aking nararamdaman.

Siguro ito na ang katapusan ng pananatili ko sa mundong ito. Ano pa ang silbi ko sa mundong ito kung wala na ang mahal ko... ang pinaka-iniingatan ko... ang buhay ko.

Siguro nga ito na.

Humakbang ako sa pinakagilid ng rooftop ng 50-story building na pagmamay-ari ng pamilya ko. Kahit na naginginig ako mula sa malamig sa simoy ng hangin, sinubukan ko pa ring tumayo ng tuwid.

Tanaw na tanaw ko mula sa aking kinalalagyan ang naggagandahan at makukulay na ilaw mula sa mga gusali. Magpapasko na kaya malamang, lahat sila nagpapakasaya at naghahanda na.

Ilang sandali na lang at makakapagdiwang na rin ako, dahil ilang sandali na lang at makakasama ko na ang mahal ko.

Sabi nila, isang kasalanan ang kitilin ang sariling buhay. Pero kung ito lang ang paraan upang manumbalik ang aking kasiyahan, mas pipiliin kong gawin nang paulit-ulit ang kasalanang iyon hanggang sa makamit ko ang aking kagustuhan.

"Suzy, hintayin mo ako, malapit na tayong magkasamang muli."

Natapos bigkasin ang mga salitang iyon, ngumiti ako at tuluyan na akong tumalon. Sa puntong iyon, alam kong malapit na kaming magkasama. Alam kong ito na... ang katapusan.

Ako si Kristoff Viovicente, isang Casanova na nagmahal ng tunay ngunit sa huli'y nasaktan. At ito ang katapusan ng aming storya na hindi kailanman nagsimula.

* * *

#LTSTAPrologue

A/N: Sa lahat po ng mga nakabasa ng prologue, paki-comment naman po ang mga gusto niyong sabihin about dito, postive man o negative. At salamat po sa pagbibigay ng oras upang basahin ito.

VOTE-- Kung nagustuhan.

COMMENT-- Kung may opinyon, suhestyon, o komento.

FOLLOW-- Kung gusto mong maging updated about sa author at sa mga stories niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love, The Second Time Around (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon