It's been 2years. Simula ng iwan mo sya at ang fact na di na sya babalik. Wala ka nang contact sa kanya niblock ka sa kahit na anong acct meron sya na connected sayo. Yung masaya na sya tas ikaw pinipilit mo maging okay. Kasi kailangan mo. Kasi yun ang dapat. Yun bigla mo na lang sya naiisip. Bigla na lang pumapatak ang luha mo sa di mo malamang dahilan. 💔
'Siguro kung kayo pa baka ngaun Valentine's baka me pasabog yun sayo. Baka nga magpropose na sya sayo. Baka yun sinasabi mo nun na 2017 ikakasal ka e matupad' - sabi ng kaibigan ko sa trabaho. Napaisip ako oo nga no? Kung kami pa ganun kaya ang mangyayari? Mahilig kasi sya sa surprises. Kasi alam nya kahit kailan di ko narasan ang masorpresa. Naaalala ko pa nun last 2014 nagcelebrate kami yung tipong gagalitin muna ko ng literal bago nya sabihin nagaantay na pala sya sa isang cafe. 😂 di ko alam na yun pala yung last? Di ko din maalala kung kami pa ba nung 2015? O kung nagcelebrate kami magkasama nun? Di ko maalala.
'Di ko alam te, siguro? Oo? Hindi? Hahaha di ko alam kasi di ko na sya kilala pa.. Ang masakit lang is baka di na talaga mangyari. Kasi diba te alam mo naman na meron na sya. Sa ngaun wala na ko balita sa kanya. Nagulat ako nakablock na ko e.😔'- sabi ko na may pagkadismaya inisip ko kung bakit ako nakablock sa kanya? Kung ano ba yung nagawa ko? O baka naman yun gf nya ang may kagagawan.😂 Pero may part na naiisip ko na 'what if? What if ganoon nga ang mangyari? Oo kaya ko? Maiiyak ba ko? Sasabihin ko ba na oo papakasalan kita kasi matagal na natin to gusto. Mahal kita.' 😔 halo-halong emosyon ang naiisip ko. Me part pa din pala na di ko talaga matanggap. Di kayang tanggapin ng puso ko.
'Hoy! Ano na? Me order pakibigay sa kitchen nagda-daydream ka nanaman. Ikaw naman niloloko lang kita masyado mo naman sya inisip. Tama na yan ganon talaga baka di talaga sya para sayo.'- sabi nya.
Ayos din sya eh pag katapos nya magsabi ng mga what if's nya tas ganyan sya . HAHAHA.'Oo na eto na pagtapos mo ko paasahin sa what if's mo. Tsk!'-sabay tayo ko at tumungo sa kitchen.
'Kuya,order po 1-tocilog,2garlic rice,1inihaw na pusit' - sabi ko sa cook namin. Pabalik na ko ng frontdesk ng bigla ako tawagin ng isa ko kasamahan na room attendant. Isa sya sa pinaka close ko at pinaka malapit sa akin.
'Ann tara bili tayo.'- sabay hila sa kamay ko.
'Mamaya tinatamad pa ko Zner wala ko sa mood.'-sabi ko sa kanya totoo tinatamad ako. Totoo wala ko sa mood kasi naman bigla ko na lang sya naalala.
'Wag ka umarte dyan, porque magvavalentines na saka umaarte dyan.'
'Arte agad? Huh! Tinatamad nga kasi ko.'
'Tinatamad? Hahaha wag ako okay? Alam ko naalala mo lang sya! Hoy gumising ka! 2taon na lumipas wag ka umarte dyan. Di ka maganda! '
'Ewan ko sayo Zner anong naalala? Masaya na ko okay? Masaya ko na masaya sya.'- Kahit ramdam naman nya di talaga ko masaya. Ang galing ko magpanggap. 😔 kaso ganon talaga..
'Tara na bumili na tayo. Di ko kayo ibibili aba!'
'Oo na! Tara na maiinis mo na ko e paka tamad mo!' -Habang naglalakad kami parang me nararamdaman ako kakaiba. As in parang yung feeling na me mangyayari na ewan ko.'Sana uwian na.'- Bigla ko nasabi sa kanya.
'Haha bwisit ka! Kakapasok mo palang gusto mo na umuwi. Well pareho tayo. Hehe'

BINABASA MO ANG
Ikaw at Ako Pa Rin
General FictionYun umaasa ka na me happy ending ka sa totoong buhay kasama yun taong mahal mo talaga. Pero dahil di totoo yun. At dahil di talaga kayo para sa isa't-isa. Walang ending. Ginawa ko to dahil gusto ko talaga magkaroon ng ending kasama sya. Kaso kasamaa...