The Bad Boy Fell Inlove

49 3 1
                                    


"Tabi!"

Tumigil ako sa paglalakad at napatingin sa kaklase kong tinulak ng babae sa gilid ng hallway. Siya pa yung tinulak siya pa rin yung nagsorry sa huli. Tinarayan naman siya ng babae na sa tingin ko ay nasa kabilang section bago umalis.

Napailing na lang ako. Hindi ako naawa ah? Natatawa pa nga ako eh. Para siyang timang kanina.

"Akala ko basura." Ibinuhos ko ang iniinom na canned drink sa mataray na babae pagdaan niya sa akin. Kita ko ang pagkainis sa mukha niya kaya lalo akong natawa. "Lalaban ka?"

Tanong ko at dali-dali  siyang umalis. I smirked. Takot naman pala may gana pa siyang tignan ako ng masama. Ha. Mukha niya.

Thanks. That girl mouthed pero tinalikuran ko lang siya. Feeling di naman para sa kanya yun. Bored lang ako kaya ko nagawa yun.

"Cyan." Nilingon ko si Bullet, yung tropa ko. Hinihingal siya at pinagpapawisan, galing siya sa pagtakbo. "O, bakit?"

"Masama to! Ginulo nila ang tambayan natin."

Nakita ko ang takot sa mukha niya. Alam ko kasing sumeryoso ang itsura sa sinabi niya at alam niyang hindi maganda ang mangyayari. Sinalo niya ang bag na itinapon ko.

"Nasaan sila?"

Pinuntahan ko ang abandonadong building sa likod ng school namin. Tumigil ako sa harapan ng pintuan ng tambayan at balewalang sinipa ito. Natigilan silang lahat at napatingin sa akin.

Naramdaman ko ang pag-atake sa likuran ko. Too bad, my reflexes are good enough para ibalibag siya sa harapan nila. Inalis ko ang polo at pinaalis ang mga underlings naming binugbog nila.

"Sino pa?"

Tanong ko at sumugod silang lahat sa akin. I'm Cyanide Ramirez and this is my life. Basagulero ako. Palaging naghahanap ng gulo, tawagin niyo na ring bully. Ang kapal nilang sirain ang nag-iisang haven ko. Inagaw ko lang ang girlfriend ng leader nila ang lakas ng loob nilang kalabanin ako. Ano bang meron sa babaeng yun?

Paglalandi lang ang alam nun. Nakakasuka nga eh. Kaya hiniwalayan ko kaagad. Tsk.

"Ang lakas ng loob niyong kalabanin ako." Inangat ko ang mukha ng lalaking namuno sa mga gagong to. Ni hindi nga ako pinagpawisan. "Dare to defy me and next time we'll meet, you'll see death."

I smirked. Ganyan nga. Matakot ka talaga. Hindi ako magdadalawang isip na tapusin kayong lahat pagsinayang niyo ulit ang oras ko.

"Bilisan niyo." Natatarantang nagsialisan ang mga gago. Tsk. Wala palang binatbat. Ibinalik ko na ang polo at nagtingin sa paligid. It's a f*cking mess. Pumasok naman si Bullet kasama sina Grey at Yce.

"Mga ulol huli na kayo." Sabi ko at natawa silang tatlo. Tinapik ni Yce ang balikat ko tapos inakbayan naman ako ni Grey. "Chill. Alam naming kaya mo sila kaya hindi na kami nag-abala pa."

"Tsk." Binatukan ko sila. "Linisin niyo to. May klase pa ako."

Kinuha ko kay Bullet ang bag ko at naglakad palabas ng pinto. "Oy! Oy! Good boy na siya! Yieeeh."

Pahabol ni Grey at sinamaan ko siya ng tingin. "Sabi ko nga shut up na lang ako."

Pinaalala niya pa. Naiinis talaga ako sa matandang hukluban na yun. Ibabagsak niya daw ako pagnadagdagan yung mga absent ko. Ayoko namang umulit at hayaan siyang manalo kaya titiisin ko muna ang mukha niya. Tutal huling taon ko na rito.

Pumasok ako sa klase. Tumahimik ang lahat at napatingin sila sa akin. Naglakad ako papunta sa upuan ko sa may likuran, yung malapit sa bintana at tinatamad na umupo ako.

The Bad Boy Fell Inlove [One-shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon