LaLOVE Isturi sa Library (one shot)

1.1K 34 14
                                    

Sana maganda....

Sana po magustuhan niyo

Thankzzz

***********************************************************************************************************

I'm Fara...First year College.I love reading...and ang mundo ko ay umiikot sa mga libro.Like na like ko talaga ang books as in..Sa tuwing break time namin o kaya naman ay walang teacher sa library ako naglalagi.....

 Sabi ng mga tao NERD daw ako.  Palagi nga ako napagti-tripan eh. Oo, aaminin ko hindi naman ako kagandahan at para akong manang kung pumorma. Imagine niyo na lang..

Buhaghag na hair with matching split ends

Reading Glasses

Braces

Mahabang palda na kinabog pa si Cinderella

Pimpled Face

Never pang may nagkagusto sa akin. Care ko ba? 

Pero hindi naman ibig sabihin na NERD ako, ay hindi na ako nagkakagusto. 

One Day, habang naglalakad ako I'm on my way to the library. 

"Kyaaaaaaaahhhhhhh.!"

"Go Karl!"

"I love you Papa Karl!"

"Crush kita.!"

Napahinto ako. Na-curious ako, kasi ang daming babae ang nagtitilian ng madaan ako sa stadium. Kaya, sumilip na din ako. Nanlaki ang mga mata ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Oo, aaminin ko na sa inyo hindi ko lang crush si Karl kasi since Freshmen pa lang ako, ay na-love at first sight ako sakanya. Sa mga hindi naniniwala sa LOVE AT FIRST SIGHT , totoo po iyon. At ako na ang nagpapatunay.

Humanap na ako ng mauupuan sa stadium. Wow, ang galing mag-shoot ni Karl este ni Laloves pala. Laloves kasi ang tawag ko sakanya. Iyon ay produkto lamang ng aking kaisipan. Yung kada-shoot niya, lahat ng babae dito sa stadium nagtitilian. Para silang mga NBA stars kung pagtilian.

"Wooooh.! Go Papa Karl.!"

"I love you Karl.!"

"Papakasalan na kita Karl.!"

Napasimangot ako sa mga pinagsasabi ng mga babaeng 'to. Badtrip. Mga mang-aagaw. Pero, ito ang hindi ko talaga inaasahan. 

Tumingin si Laloves sa side namin.

Kumindat ito at ngumiti. 

Nanlaki ang mga mata ko. 

At dinaig pa ng tren ang bilis ng tibok ng puso ko. Kasabay pa nito ang pag-iinit ng mukha ko.

"Hindi ito totoo Fara. Gumising ka nga sa katotohanan, hindi ikaw yung tinignan niya ay hindi lang pala tingin. Kindat at ngiti pala. Hindi ikaw yon Fara.! Wag ka ngang Assuming. Malay mo, nandito yung inspirasyon niya."

Siguro nga hindi ako. Tumingin ako sa orasan. Break time na din pala nila Karl at kailangan ko ng pumunta sa library para sa part time job ko. Nagtatrabaho din kasi ako bilang Student Assistant sa Library para makadagdag sa scholarship ko. Kaya masakit man sa loob ko, ay kailangan ko ng umalis.

Love story Sa Library (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon